2018
Sina David at Goliath
August 2018


Mga Kuwento sa mga Banal na Kasulatan

Sina David at Goliath

Mula sa 1 Samuel 17.

Larawan
David and Goliath 1
Larawan
David and Goliath 2
Larawan
David and Goliath 3

Si David ay isang batang lalaki na nag-aalaga ng mga tupa. Ang kanyang mga kuya ay sundalo na nagsusumikap protektahan ang kanilang mga kababayan. Isang araw, isinugo si David ng kanyang ama na magdala ng pagkain sa kanyang mga kapatid.

Nang dumating doon si David, nakita niya ang isang higanteng sundalong nagngangalang Goliath. Sinabi ni Goliath na kung may sinumang makatatalo sa kanya, magwawakas ang digmaan. Ngunit walang sapat na may tapang na labanan siya.

Sinabi ni David na siya ang lalaban kay Goliath. Sinabi ng hari kay David na hindi. Bata pa lang si David, at si Goliath ay malakas at malaki! Ngunit alam ni David na tutulungan siya ng Diyos. Sa wakas, sinabi ng hari, “Yumaon ka, at ang Panginoon ay sasa iyo.”

Hindi nagsuot si David ng sandata tulad ng ginawa ni Goliath. Pumulot siya ng bato at inilagay sa kanyang tirador. Inihagis niya ang bato sa noo ni Goliath. Bumagsak si Goliath! Nanalo si David! Iniligtas niya ang kanyang mga kababayan.

Kung minsan ay nahaharap ako sa malalaki at nakakatakot na mga problema. Kapag humihingi ako ng tulong sa Diyos, tinutulungan Niya akong maging malakas.