2018
Pagtakbo Papunta sa Simbahan
Hulyo 2018


Pagtakbo Papunta sa Simbahan

Daniel R. Thompson, California, USA

Larawan
running around church parking lot

Paglalarawan ni Allen Garns

Isang araw, habang naghahanap ng lugar kung saan puwedeng tumakbo, nagpasiya akong subukan ang parking lot ng simbahan sa aking komunidad. Nagustuhan ko ito dahil ito ay may ilaw at aspaltado. Nalaman ko na ang pagtakbo nang 10 hanggang 15 beses sa paligid ng building ay kukumpleto sa aking 3 milya (4.8 km) na ehersisyo.

Nagpatuloy ang pagtakbo ko sa parking lot, panaka-naka, sa loob ng tatlong taon. Paminsan-minsan, nakakakita ako ng mga tao sa parking lot dahil tumatakbo ako kung minsan sa oras ng serbisyo at mga aktibidad ng Simbahan.

Maraming beses kong naramdaman na kailangang may kausapin ako tungkol sa Simbahan, ngunit wala akong ideya kung paano ito gawin. Sa pag-uwi ko isang gabi, nagpasiya ako na tingnan kung mayroong tao roon. Nang pumasok ako sa gusali ng simbahan, nakita ko ang mga missionary habang tinatapos nila ang mga interbyu sa kanilang mission president. Nagpakilala ako at umupo kami sa foyer. Doon nila ako tinuruan ng una kong lesson sa ebanghelyo.

Nagpatuloy ako sa pakikipagkita sa mga missionary sa mga sumunod na linggo. Nang dumalo ako sa sacrament meeting, nagpakita sa akin ang mga miyembro ng pagmamahal, pagtanggap, pakikipagkaibigan, at pinalakas nila ang loob ko. Habang iniisip ko ang tungkol sa natututuhan ko, napagtanto ko na dahil sa kagustuhan kong malaman ang tungkol sa Simbahan ay kinailangan ko nang magpasiyang magpabinyag. Naramdaman ko na nagbibigay-pahiwatig sa akin ang Espiritu na gawin kung ano ang gusto ng Ama sa Langit na gawin ko, ngunit patuloy kong pinag-isipan pa ang aking pasiya. Sa huli ay nabinyagan ako noong Nobyembre 2001, sa edad na 36.

Ang pagpili ko na tumakbo sa parking lot ng simbahan ay tila hindi mahalaga noon. Ngunit ito ang nagbigay-daan sa aking mga dakilang pagpapala: naging miyembro ako ng Simbahan; nakilala ko ang kahanga-hanga kong asawa na si Jennefer; at ibinuklod ako sa kanya nang walang-hanggan sa San Diego California Temple.

Kaya kung makakakita ka ng nag-eehersisyo sa parking lot ng meetinghouse ninyo, magpakilala ka! Malay mo—baka siya na ang magiging pinakabagong miyembro ng inyong ward!