2017
Isang Missionary na Walang Name Tag
June 2017


Mga Kabataan

Isang Missionary na Walang Name Tag

Ang awtor ay naninirahan sa Utah, USA.

Larawan
teenage girl in school

Sa eskuwela ay may guro ako na may nakakatakot na personalidad na maaaring makahadlang sa isang tao na magbahagi ng kakaibang pananaw tungkol sa isang paksa. Isang araw napag-usapan namin ang mga LDS missionary. Alam ko na puwede kong sagutin ang mga tanong niya, pero pakiramdam ko ay hindi ko iyon dapat gawin. Kaya sapat lang ang sinabi ko para pansamantala siyang masiyahan.

Nang sumunod na ilang linggo palagi kong naiisip ang pinag-usapan namin. Sa huli, naisip ko na dapat ko siyang bigyan ng Aklat ni Mormon na may ilang naka-highlight na pahayag tungkol sa gawaing misyonero. Natakot ako sa ideya, pero hindi maalis iyon sa isipan ko. Alam ko na isang pahiwatig iyon na kailangan kong sundin.

Makalipas ang mga dalawang buwan, naihanda ko na ang Aklat ni Mormon. Buong maghapong parang binubutasan ng aklat ang backpack ko. Ang tatlong segundong pag-abot ko nito sa kanya nang umalis ako para magbakasyon noong winter ang pinaka-nakakatakot na sandali sa buhay ko.

Sa unang araw pagbalik ko, nagdaan ako sa classroom niya pero natakot akong pumasok. Pagkatapos ay narinig kong tinawag niya ako, at binigyan niya ako ng isang card. Binasa ko iyon sa pasilyo. Isinulat niya na napag-aralan niya nang “matagal” ang mga talatang minarkahan ko, at nauunawaan na niya ang ilang dahilan ng pananampalataya ko.

Nasasabik na akong ibahagi ang ebanghelyo ngayon, at mas nasasabik akong paglingkuran ang aking Ama sa misyon.