2016
Si Elder Andersen sa Jerusalem
Enero 2016


Si Elder Andersen sa Jerusalem

Larawan
Elder Neil L. Andersen with Jerusalem Mayor Nir Barkat at an international genealogical conference.

Si Elder Neil L. Andersen kasama si Jerusalem Mayor Nir Barkat

Kinausap ni Elder Neil L. Andersen ng Korum ng Labindalawang Apostol si Nir Barkat, mayor ng lungsod, nang siya ay dumalo sa isang international genealogical conference sa Jerusalem. Tinalakay nila ang kasaysayan at mga aktibidad ng Brigham Young University Jerusalem Center for Near Eastern Studies, na 27 taon na sa Jerusalem, gayundin ang gawain ng Simbahan na ingatan ang kasaysayan ng mga pamilya.

Ang genealogy conference ay umakit sa daan-daang kalahok, kabilang na ang mga eksperto sa family history at mga researcher mula sa Israel, North America, Europe, at iba pang panig ng mundo.