2016
Ang Aklat ni Mormon ay Nagtuturo tungkol kay Jesucristo
Enero 2016


Ang Aklat ni Mormon ay Nagtuturo tungkol kay Jesucristo

Larawan
Product Shot from January 2016 Liahona

Habang binabasa mo ang Aklat ni Mormon, mahaharap ka sa maraming pakikipagsapalaran. Maglalakbay ka sa ilang kasama ang pamilya nina Lehi at Saria at mapapanood mo ang paggawa ni Nephi ng barko. Marami ka ring makikilalang propeta—gaya nina Lehi, Nephi, Abinadi, Samuel, at Mormon. Lahat ng propeta sa Aklat ni Mormon ay nagturo tungkol kay Jesus. Nakita pa Siya ng ilan sa kanila. Sa katunayan, iyan ang dahilan kaya ibinigay sa atin ng Ama sa Langit ang espesyal na aklat na ito—para tulungan ang mga tao sa lahat ng dako na malaman ang iba pa tungkol kay Jesus!