2016
Paninindigan sa Ethiopia
Enero 2016


Mga Batang Naninindigan

Paninindigan sa Ethiopia

Ang awtor ay naninirahan sa Utah, USA.

Larawan
Product Shot from January 2016 Liahona

Ako si Tsion!

Nakatira ako sa Ethiopia, isang bansa sa eastern Africa. Mahilig akong maglaro ng soccer at magbasa. At gusto kong maging doktor paglaki ko. Sinisikap kong manindigan sa pamamagitan ng pamumuhay ayon sa ebanghelyo araw-araw at pagbabahagi nito sa aking mga kaibigan!

Paano Ako Nagkaroon ng Patotoo

Nagsimba ako sa unang pagkakataon noong walong taong gulang ako. Binasa ko ang Aklat ni Mormon, nakinig ako sa mga missionary, at nanalangin. Sinabi sa akin ng Espiritu na ang Simbahan ay totoo, at ginusto kong magpabinyag. Pinasasaya ako ng ebanghelyo.

Pagtulong sa Aking Pamilya

Ang pamilya ko ay karaniwang naglalakad papunta sa simbahan, at umaabot iyon ng mga isang oras. Kapag napagod ang kapatid kong musmos, kinakarga ko siya o ng kuya ko. Tumutulong ako sa bahay sa paghuhugas ng pinggan at paglilinis ng bahay.

Ang Tungkulin Ko sa Simbahan

Ang paborito kong bahagi sa pagsisimba ay ang sacrament meeting. Ako ang tagakumpas sa musika.

Gusto kong matuto tungkol sa ebanghelyo. Ang paborito kong kuwento sa banal na kasulatan ay ang tungkol kina David at Goliath. Ang paborito kong awitin ay ang “Mga Kuwento sa Aklat ni Mormon.”

Pagbabahagi ng Nalalaman Ko

Ikinukuwento ko sa mga kaibigan ko sa paaralan ang tungkol sa ipinanumbalik na ebanghelyo. Madalas magtanong sa akin ang isang kaibigan tungkol sa Simbahan—pagkatapos ay bigla siyang tumigil. Tinanong ko siya kung bakit. Nagalit daw ang mga magulang niya. Sana balang-araw magbago ang isip ng mga magulang niya.

Ano ang Kahulugan sa Akin ng Paninindigan

Ang ibig sabihin ng “paninindigan” ay pamumuhay ayon sa ebanghelyo araw-araw. Nais ng Ama sa Langit at ni Jesus na patotohanan ko Sila! Gusto kong ibahagi ng lahat ng kaibigan ko sa buong mundo ang ipinanumbalik na ebanghelyo sa kanilang mga kaibigan.