2014
Patuloy ang Pagdami ng mga Templo
Nobyembre 2014


Patuloy ang Pagdami ng mga Templo

“Kapag tapos nang itayo at ilaan ang lahat ng dating ibinalitang mga templo, magkakaroon tayo ng 170 templong gumagana sa buong mundo,” sabi ni Pangulong Thomas S. Monson sa pangkalahatang kumperensya ng Oktubre 2014. “Dahil nakatuon ang ating mga pagsisikap sa pagkumpleto ng mga templong dati nang ibinalita, hindi kami magbabalita sa ngayon ng anumang bagong templo. Gayunman, sa hinaharap, kapag may nakita kaming pangangailangan at nakahanap kami ng mga mapagtatayuan, magbabalita kami ng karagdagang mga templo.”

Nang muling ilaan ni Pangulong Monson ang Ogden Utah Temple noong Setyembre 2014, umabot na sa 143 ang bilang ng gumaganang mga templo ng Simbahan sa ibaʼt ibang dako ng mundo.

Ang Fort Lauderdale Florida Temple ay inilaan noong Mayo 2014 ni Pangulong Dieter F. Uchtdorf, Pangalawang Tagapayo sa Unang Panguluhan. Ang Phoenix Arizona Temple ay ilalaan sa Nobyembre 16, 2014, at mga limang templo pa ang ilalaan o muling ilalaan sa 2015.

Ang Ogden Utah Temple ay muling inilaan noong Setyembre 21, 2014.

Larawang kuha ni Sarah Jane Weaver, Church News