2014
Pelikula Tungkol kay Joseph Smith nasa Hulu na Ngayon
Nobyembre 2014


Pelikula Tungkol kay Joseph Smith nasa Hulu na Ngayon

Mapapanood na ngayon ng milyun-milyong tao ang pelikula na gawa ng Simbahan na nagbibigay-papuri kay Propetang Joseph Smith. Ang Joseph Smith: Prophet of the Restoration [Joseph Smith: Propeta ng Panunumbalik], isang pelikula na naglalarawan sa buhay at pamana ng Propeta, ay mapapanood na ngayon nang walang bayad sa Hulu, isang website na nag-aalok ng streaming video.

Ito ang unang pelikula ng Simbahan na mapapanood sa isang eksklusibo at malaking distribution channel tulad ng Hulu, kung saan maaaring mapanood ng mga 4 na milyong subscriber, ang streaming video sa pamamagitan ng Roku, Apple TV, Xbox, PlayStation, at mga smartphone at tablet na nakakonekta sa Internet. Ang panonood ng pelikula sa Hulu ay hindi lamang naging mas madali sa mga miyembro ng Simbahan, kundi nagbigay rin ito ng pagkakataon sa mas marami pang hindi LDS na mapanood at malaman ang tungkol sa Simbahan.

Ang mga miyembro na nanonood, nag-iiwan ng komento, at nagbibigay ng rating sa pelikula ay mas magpapabilis sa paghahanap dito ng iba.