2012
Paano ako magiging saksi ni Jesucristo?
Disyembre 2012


Natatanging Saksi

Paano ako magiging saksi ni Jesucristo?

Hango sa “Pagiging Saksi ni Cristo,” Liahona, Mar. 2008, 58–63.

Larawan
Elder D. Todd Christofferson

Ang mga miyembro ng Korum ng Labindalawang Apostol ay tinatawag bilang mga natatanging saksi ni Jesucristo.

Tayo ay mga saksi ni Jesucristo kapag nakikita sa ating pamumuhay ang Kanyang mga itinuturo. Dapat makita sa ating kilos, pagsasalita, hitsura, at pag-iisip si Cristo at ang Kanyang pamamaraan.

Tayo ay mga saksi ni Jesucristo kapag sinasabi natin sa iba ang nadarama natin tungkol sa Kanya.

Tayo ay mga saksi ni Jesucristo kapag namumuhay tayo nang may masayang pananaw na nagpapakita ng pananampalataya natin sa Kanya.

Tayo ay mga saksi ni Jesucristo kapag nagpapatotoo tayo sa iba at tinutulungan silang malaman ang tungkol sa Kanya at sundin Siya.

Paglalarawan ni Becca Scholes