2012
Magkaibigang Mahilig sa Sandwich
Disyembre 2012


Magkaibigang Mahilig sa Sandwich

  1. Sumakay na si William sa kotse at naupo sa tabi ni Jeremy at ikinabit na ang kanyang seat belt.

    Handa na ba ang lahat para sa preschool?

    Opo!

    Opo!

  2. Nagsimula nang magmaneho ang Inay ni Jeremy, at binuksan ni William ang kanyang lunch box. Kumuha siya ng peanut butter at jelly sandwich at kinagat ito.

  3. Nakatingin si Jeremy sa sandwich ni William. Parang masarap iyon. Gutom na si Jeremy.

  4. Inay, nagugutom po ako. May dala po ba kayo na puwede kong kainin?

    Sori, Jeremy. Kumain tayo bago tayo umalis. Wala akong dalang kahit ano.

  5. OK.

    Nalungkot si Jeremy. Gusto rin niya ng sandwich.

  6. Nakita ni William na malungkot si Jeremy. Piniraso niya ang kanyang sandwich at iniabot ito kay Jeremy.

    Sa iyo na ito!

  7. Salamat, William. Ang bait mo.

    Ayos lang. Ganyan ang magkaibigan, nagtutulungan!

Mga paglalarawan ni Scott Peck