Kaibigan
Mga Aktibidad sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin
Pebrero 2025


“Mga Aktibidad para sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin,” Kaibigan, Pebrero 2025, 22–23.

Mga Aktibidad sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin

Enero 27–Pebrero 2: Doktrin at mga Tipan 3–5

Koronang Puso

Dalawang batang babae na may hawak na papel na koronang puso

Maaari nating sundin si Jesucristo nang buong puso (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 4:2). Gumupit ng 10 maliliit na pusong papel. Sa bawat puso, sumulat ng isang paraan para makasunod ka sa Tagapagligtas. Ilagay ang mga puso na magkakapatong sa isa’t isa sa isang bilog at idikit ang mga ito sa puwesto para makabuo ng korona.

Pebrero 3–9: Doktrina at mga Tipan 6–9

Pagsasaya sa Flashlight

Batang babae na pinapatama ang liwanag ng flashlight sa pader

Maaari tayong bigyan ng Diyos ng mga sagot sa ating mga tanong sa pamamagitan ng Espiritu Santo (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 6:23). Kung minsan ay kailangan nating talagang magpokus para maunawaan ang mensahe. Kumuha ng flashlight at patayin ang mga ilaw sa silid. Gagamitin ng isang tao ang flashlight para magdrowing ng larawan o mga titik sa dingding. Susubukan ng iba na hulaan kung ano iyon. Paano natutulad sa Espiritu Santo ang flashlight?

Pebrero 10–16: Doktrina at mga Tipan 10–11

Mga Bato para sa Panalangin

Batang babae na nagpipinta ng bato

Itinuturo ng mga banal na kasulatan na dapat tayong manalangin palagi sa Ama sa Langit (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 10:5). Gumamit ng pintura o marker upang lagyan ng dekorasyon ang isang makinis na bato ng mga salita o larawan na nagpapaalala sa inyo tungkol sa Kanya. Kapag natuyo na ang bato, ilagay ito sa tabi ng inyong higaan upang ipaalala sa inyo na manalangin tuwing umaga at gabi.

Pebrero 17–23: Doktrina at mga Tipan 12–17; Joseph Smith—Kasaysayan 1:66–75

Pagbabahagi ng Banal na Kasulatan

Mga kamay na may hawak na baraha na may tupang nakaguhit dito

Sinasabi sa mga banal na kasulatan na dapat tayong tumulong na “makapagdala ng mga kaluluwa [kay Cristo]” (Doktrina at mga Tipan 16:6). Ibig sabihin nito ay tulungan ang iba na malaman ang tungkol sa Ama sa Langit at ang Kanyang plano para sa atin. Gumupit ng mga kard sa papel at isulat ang isang talata ng banal na kasulatan sa mga ito. Magbigay ng kard sa isang guro, kaibigan, o kapamilya para maibahagi sa kanila ang ebanghelyo.

PDF ng Pahina

Mga larawang kuha ni Christina Smith