“Gloria,” Kaibigan, Disyembre 2024, 14.
No’ng araw, may batang
Nakahimlay sa isang sabsaban.
Ang lahat, payapa,
Dahil si Jesus ay isinilang.
Tingnan n’yo, may tala.
Mga mago’y talagang natuwa.
Mga pastol, nalaman,
Anghel sila’y binalitaan.
Koro: Gloria! purihin S’ya,
Aleluya, aleluya.
Umawit, makigalak sa anghel.
L’walhati, gloria.