“Pagsunod kay Jesus sa South Korea,” Kaibigan, Disyembre 2024, 6–7.
Pagsunod kay Jesus sa South Korea
Kilalanin sina Uicheon at Ji-in!
Paano Sinusunod nina Uicheon at Ji-in si Jesus
Sinusunod ni Uicheon ang Tagapagligtas sa pamamagitan ng pagdarasal kapag kailangan niya ng tulong. Noong mas bata siya, nawala ang parte ng laruan niyang kotse. Nalungkot siya. Pagkatapos ay sabay silang nagdasal ng kanyang ama. Pagkatapos nilang magsabi ng “amen,” natagpuan nila ang nawawalang parte! “Napakabilis naman ng sagot na iyon sa panalangin natin,” sabi ni Uicheon.
Sinunod ni Ji-in si Jesucristo nang magpabinyag siya. Gusto niyang sundan ang Kanyang halimbawa. “Nang tumayo ako mula sa tubig, ang ganda ng pakiramdam ko at naisip ko si Jesus,” sabi niya. “Parang sumigla ako, at naisip ko na naging mas mabuting tao ako.”
Tungkol kina Uicheon at Ji-in
Edad: 10 at 8
Mula sa: Gyeonggi-do, South Korea
Wika: Korean
Mga Mithiin: Gustong maging arkitekto ni Uicheon. Gustong maging kindergarten teacher ni Ji-in.
Mga libangan: Mahilig si Uicheon na magdrowing, magpinta, at gumawa ng origami. Mahilig si Ji-in na maglaro ng mga miniature set at manood ng mga video.
Pamilya: Uicheon, Ji-in, Inay, Itay, nakababatang kapatid na lalaki
Mga Paborito Nila
Kuwento sa Aklat ni Mormon: Ang paboritong kuwento ni Uicheon ay ang panaginip ni Lehi tungkol sa gabay na bakal (tingnan sa 1 Nephi 8). Ang paboritong kuwento ni Ji-in ay ang pagkuha ni Nephi sa mga laminang tanso (tingnan sa 1 Nephi 4).
Tradisyon ng Pamilya: Mahilig maglaro ng mga game si Uicheon na kasama ang kanyang pamilya. Mahilig si Ji-in na manood ng sine na kasama ang pamilya.
Mga Prutas: Mahilig si Uicheon sa pakwan at mangga. Mahilig si Ji-in sa strawberries at ubas.
Mga Kulay: Ang paboritong kulay ni Uicheon ay asul. Ang paboritong kulay ni Ji-in ay pink.