“Ang Kuwento ng Pasko,” Kaibigan, Disyembre 2024, 12–13.
Ang Kuwento ng Pasko
Noong araw, isang anghel ang nagpakita sa isang dalagang nagngangalang Maria.
Sinabi sa kanya ng anghel na siya ay magkakaroon ng anak na nagngangalang Jesus at Siya ang magiging Tagapagligtas ng sanlibutan.
Bago nanganak si Maria, naglakbay sila ng asawa niyang si Jose papuntang Bethlehem.
Pagdating nila, wala nang silid para sa kanila sa bahay-panuluyan.
Isang bagong tala ang lumitaw sa kalangitan noong gabing iyon.
Nang isilang si Jesus, inihiga Siya ni Maria sa isang sabsaban.
Binalot Siya ni Maria sa tela para mainitan at maging ligtas.
Isang anghel ang bumisita sa mga pastol at sinabi sa kanila ang masayang balita. Dumating na ang Tagapagligtas!
Nagmadaling pumunta ang mga pastol sa kuwadra at natagpuan ang sanggol na si Jesus na nakahiga sa sabsaban.
Tuwang-tuwa ang mga pastol! Nagpunta sila at sinabi sa iba na isinilang na si Jesucristo.
Maaari din nating ibahagi ang mabuting balita ng pagsilang ni Jesus—sa Kapaskuhan at sa tuwina!
Mga larawang-guhit ni Audrey Day