Kaibigan
Fruit Chase
Marso 2024


“Fruit Chase,” Kaibigan, Marso 2024, 33.

Masasayang Bagay

Fruit Chase

Larawan
alt text

Narito ang isang larong maaari ninyong laruin na kasama ang mga kaibigan at pamilya!

  1. Magmarka ng isang start line at isang finish line. Pumili ng isang taong magiging tagahabol.

  2. Tatayo ang lahat sa start line at lihim na pipili ng isang prutas. Tatayo ang tagahabol sa likod ng start line na nakatalikod sa iba pang mga manlalaro.

  3. Sasabihin ng tagahabol ang pangalan ng isang prutas.

  4. Tatakbo ang mga manlalarong pumili sa prutas na iyon papunta sa finish line. Iikot ang tagahabol at susubukan silang i-tag.

  5. Ang sinumang ma-tag ay siyang susunod na tagahabol!

Meal Maker

Sa Word of Wisdom, sinabi sa atin ni Jesus kung anong mga pagkain ang mabuting kainin. Basahin ang Doktrina at mga Tipan 89:10–12, 14. Pagkatapos ay idrowing ang ilan sa mga paborito mong pagkain sa mga plato sa ibaba!