Kaibigan
Easter Lily Craft
Marso 2024


“Easter Lily Craft,” Kaibigan, Marso 2024, 17.

Masasayang Bagay

Easter Lily Craft

Ang mga Easter lily ay maaaring magpaalala sa atin sa Pagkabuhay na Mag-uli ni Jesucristo. Matagal lumaki ang mga buko ng lily sa ilalim ng lupa bago mamukadkad ang mga ito sa tagsibol. Nang mamatay si Jesus, inihimlay ang Kanyang katawan sa isang libingan. Pero pagkaraan ng tatlong araw, Siya ay muling nabuhay!

Gumawa ng sarili mong mga Easter lily sa pagsunod sa mga hakbang na ito.

  1. Bakatin ang hugis ng iyong kamay sa isang papel at gupitin ito.

  2. Bilutin nang hugis-apa at sarhan ng teyp. Mag-iwan ng maliit na butas sa ilalim.

  3. Ipulupot ang bawat isa sa lapis.

  4. Pasukan ng patpat ang butas sa iyong bulaklak para makagawa ng tangkay. Iteyp ang bulaklak sa patpat. Opsiyonal: Pinturahan ng dilaw ang bandang ibabaw ng patpat at ng berde ang bandang ilalim nito. Dagdagan ng mga dahong papel.

Larawan
PDF ng Kuwento

Gawang-sining ni Anna Oldroyd