Kaibigan
Bakit Natin Ipinagdiriwang ang Pasko ng Pagkabuhay?
Marso 2024


“Bakit Natin Ipinagdiriwang ang Pasko ng Pagkabuhay?” Kaibigan, Marso 2024, 16.

Mga Sagot mula sa Isang Apostol

Bakit Natin Ipinagdiriwang ang Pasko ng Pagkabuhay?

Hango mula sa “Narito, ang Tao!” Liahona, Mayo 2018, 107–110.

Larawan
Alt text

Larawang-guhit ni Brooke Smart

Ang Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay ay isang sagradong araw.

Isang araw ito para alalahanin ang sakripisyo at Pagkabuhay na Mag-uli ni Jesucristo.

Ibinuwis ni Jesus ang Kanyang buhay upang tayo ay makapagsisi at mapatawad.

Dahil kay Jesus, maaari nating makapiling na muli ang Diyos.