Kaibigan
Ang Sarili Kong Patotoo
Enero 2024


“Ang Sarili Kong Patotoo,” Kaibigan, Ene. 2024, 38.

Isinulat Mo

Ang Sarili Kong Patotoo

Ang pangalan ko ay Chloe, at ako ay 9 na taong gulang. Ang mga libangan ko ay maglaro ng tennis, kumanta, at makipagkaibigan.

Gustung-gusto kong magsimba, at gusto kong tumulong sa klase ko sa Primary. Pinagaganda nito ang pakiramdam ko. Gustung-gusto ko ring maglingkod sa iba. Mahal na mahal ko ang pamilya ko. Tinulungan ko ang nakababata kong kapatid na si Anna na matutong magbisikleta. Kung minsa’y tinutulungan ko ang nanay ko na hugasan ang mga pinggan.

Gustung-gusto ko ring basahin ang Aklat ni Mormon kasama ang aking pamilya. Isang araw nang mabasa ko ang kuwento ni Ammon, nadama ko ang Espiritu Santo sa puso ko. Nang gabing iyon, sinabi ko sa pamilya ko, “Alam ko na ngayon kung bakit sinasabi ng mga tao na totoo ang Aklat ni Mormon.” Nadama ko sa puso ko na talagang nangyari ang mga kuwentong binabasa namin sa Aklat ni Mormon.

Alam ko na ang Simbahan ay totoo. Alam ko na ang mga kuwento sa Aklat ni Mormon ay totoo. Alam ko na ang mga propeta ay tinawag ng Diyos. Alam ko na matutulungan tayo ng mga missionary na sundin si Jesus. Sa pangalan ni Jesucristo, amen.

Larawan
Alt text

Larawang-guhit ni Giovanni Abeille