Kaibigan
Ang Punungkahoy ng Buhay
Enero 2024


“Ang Punungkahoy ng Buhay,” Kaibigan, Ene. 2024, 26–27.

Mga Kuwento sa mga Banal na Kasulatan

Ang Punungkahoy ng Buhay

Larawan
Alt text

Mga larawang-guhit ni Andrew Bosley

Larawan
alt text

Si Lehi ay isang propeta. Sinabihan siya ng Diyos na dalhin ang kanyang pamilya sa lupang pangako. Habang naglalakbay sila, nanaginip siya tungkol sa isang magandang puno. Ang tawag doon noon ay punungkahoy ng buhay.

Larawan
alt text
Larawan
alt text

Ang puno ay may masarap na puting bunga. Napakasaya ng pakiramdam ni Lehi nang kainin niya ito! Ginusto niyang tikman din ito ng kanyang pamilya.

Larawan
alt text
Larawan
alt text

Nakakita rin si Lehi ng isang gabay na bakal na papunta sa puno. Humawak ang mga tao sa gabay na bakal para makarating sa puno at makakain ng bunga.

Larawan
alt text

Ang puno sa panaginip ni Lehi ay parang pagmamahal ng Diyos. Ang gabay ay parang mga banal na kasulatan. Kapag binabasa natin ang mga banal na kasulatan, mas napapalapit tayo sa Ama sa Langit at kay Jesucristo.