Paano ninyo tinutulungan ang inyong mga anak na malaman kung ano ang pakiramdam ng nariyan ang Espiritu Santo? Maaari ninyong gamitin ang aktibidad sa pahina 17 at pag-usapan kung paano Siya madalas na nangungusap sa atin sa pamamagitan ng tahimik na mga kaisipan at damdamin. Maaari din ninyong basahin ang kuwento sa pahina 14 at pag-usapan kung paano Niya tayo mababalaan at mapapanatiling ligtas. Kapag nadarama natin ang Espiritu Santo, maaalala natin kung gaano tayo kamahal ng Ama sa Langit at nais Niya tayong pagpalain.