2023
Mga Aktibidad sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin, para sa Maliliit na Bata
Oktubre 2023


“Mga Aktibidad sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin, para sa Maliliit na Bata,” Kaibigan, Okt. 2023, 49.

Bagong Tipan

Mga Aktibidad sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin, para sa Maliliit na Bata

Larawan
alt text

Para sa mga taga-Efeso

Hilingin sa inyong mga musmos na magbigay ng mga pangalan ng mga bata sa Primary. Ituro sa kanila na ang mga kaklase sa simbahan ay mga kaibigan. Tulungan silang idrowing ang kanilang mga kaibigan sa simbahan.

Para sa mga taga-Filipos; mga taga-Colosas

Ipakita sa iyong maliliit na anak ang isang larawan ng propeta. Ipaliwanag na ang propeta ay nananalangin araw-araw. Itanong sa inyong mga musmos, “Ano sa palagay ninyo ang ipinagdarasal niya?” Tulungan ang inyong mga musmos na malaman na mahal sila ng propeta at ipinagdarasal niya sila!

Para sa 1 at 2 Mga Taga Tesalonica

Ituro sa inyong mga musmos na muling paparito si Jesucristo sa lupa. Ang Kanyang Ikalawang Pagparito ay magiging maluwalhati! Tulungan ang inyong mga musmos na kantahin ang “Sa Kanyang Pagbabalik” (Aklat ng mga Awit Pambata, 46–47).

Para sa 1 at 2 Timoteo; Tito; Filemon

Bigyan ang inyong mga musmos ng banal na kasulatan na hahawakan. Ipaliwanag na napakaespesyal ng mga banal na kasulatan dahil nagtuturo ang mga ito tungkol kay Jesucristo. Bilangin ninyo kung ilang beses isinulat ang Jesus sa 2 Timoteo 1–2. (May 10 beses.)