2023
Pagkamit sa Aking mga Mithiin
Oktubre 2023


“Pagkamit sa Aking mga Mithiin,” Kaibigan, Okt. 2023, 30.

Isinulat Mo

Pagkamit sa Aking mga Mithiin

Noong bata pa ako, hindi ako marunong magbasa. Nagdasal ako sa Ama sa Langit na tulungan ako. Nagsimula akong mag-aral ng mga patinig at katinig. Sa tulong ng Ama sa Langit, nakakabasa na ako nang mabuti.

Walong taong gulang na ako ngayon. Mahilig akong magbasa ng Aklat ni Mormon at ng magasin na Kaibigan. Naghanda akong magpabinyag sa pamamagitan ng pagbabasa tungkol sa tipan sa binyag sa magasin. Ang araw ng binyag ko ang pinakamagandang araw ng buhay ko!

Hinihikayat ako ng aking mga magulang, Primary president, at bishop na matuto at umunlad. Tinatanong ako ng bishop ko linggu-linggo kung ano ang natututunan ko mula sa Aklat ni Mormon. Nagtatakda rin ako ng mga mithiin sa Gabay na Aklat ng mga Bata. Ang ilan sa mga mithiing itinakda ko ay magbasa ng mga banal na kasulatan araw-araw, manalangin nang madalas, magsipilyo ng ngipin dalawang beses sa isang araw, at gawin ang mga aktibidad sa magasin na Kaibigan.

Magkasama rin kami ng kapatid ko na nagtakda ng isang mithiin. Sumali kami sa stake choir. Kami ang mga pinakabatang miyembro! Mahilig kaming kumanta ng mga himno.

Gustung-gusto ko na inaabot ang mga mithiin ko. Nagpapasalamat ako sa ating Ama sa Langit sa Kanyang tulong.

Larawan
alt text
Larawan
alt text here

Larawang-guhit ni Mike Laughead