2023
Huwag Sumuko Kailanman
Abril 2023


“Huwag Sumuko Kailanman,” Kaibigan, Abr. 2023, 39.

Mga Bata at Kabataan

Huwag Sumuko Kailanman

Noong summer break, kumuha ako ng robotics engineering class sa high school na malapit sa bahay ko. Isa ako sa mga pinakabata sa klase. Sa unang araw pinaggrupu-grupo kami ng aming mga titser. Sa mga grupong ito natuto kaming mag-code ng mga robot. Sa coding, nakaimbento kami ng mga paraan para makakumpleto ng mga maze ang mga robot. Napakahirap pag-aralan niyon, at inabot ng ilang araw ang grupo namin para magawa iyon. May mga araw na hindi pumasok sa klase ang mga tao, kaya ako lang at isa pang tao ang gumagawa ng proyekto namin.

Sa huling araw, nagpasiya ang mga titser na gumawa ng masayang laro kasama ang buong klase. Binigyan nila ang bawat grupo ng 20 dried noodles at 10 marshmallow. Pinagawa nila sa amin ang pinakamataas na tore. Dalawa lang kami sa grupo noong araw na iyon, kaya lumapit ang isang miyembro ng isa pang grupo para tulungan kami.

Larawan
Tatlong batang nagtatayo ng isang tore gamit ang dried spaghetti at mga marshmallow

Larawang-guhit ni Macky Pamintuan

Matagal naming ginawa ang tore at ginawa namin ang lahat sa abot-kaya namin. Lumabas na masyadong malapad at hindi gaanong mataas ang toreng ginawa namin. Pakiramdam namin ay puwede pa naming pataasin iyon. Gusto nang sumuko ng mga teammate ko, pero sabi ko, “Huwag tayong sumuko.” Kinuha namin ang lahat ng piraso ng noodle na nasa tagiliran at inilagay namin ang mga iyon sa ibabaw. Unti-unting tumaas ang tore!

Dahil hindi kami sumuko, dalawa kami ng isa pang grupo ang nanguna. Nalaman ko na kahit gaano kahirap ang mga bagay-bagay, hindi tayo dapat sumuko kailanman!