2023
Countdown Hanggang sa Pasko ng Pagkabuhay
Abril 2023


“Countdown Hanggang sa Pasko ng Pagkabuhay,” Kaibigan, Abr. 2023, 8.

Masasayang Bagay

Countdown Hanggang sa Pasko ng Pagkabuhay

Larawan
PDF ng Aktibidad na may bakas ng paa

Sa buong linggo bago sumapit ang Pasko ng Pagkabuhay, gumawa ng isang aktibidad bawat araw para sundin si Jesus. Pagkatapos ay kulayan ang bakas ng paa. Magsimula sa bakas 7.

7: Ipinagdiwang at pinarangalan ng mga tao si Jesus sa Jerusalem (tingnan sa Mateo 21:6–11). Kantahin ang isang awiting gusto mo tungkol kay Jesus.

6: Bumisita si Jesus sa templo (tingnan sa Mateo 21:12–16). Magdrowing ng isang larawan ng templo.

5: Tinuruan tayo ni Jesus na mahalin ang iba (tingnan sa Mateo 22:36–40). Gumawa ng isang card para sa isang taong mahal mo.

4: Itinuro ni Jesus ang ebanghelyo gamit ang mga kuwentong tinatawag na mga talinghaga (tingnan sa Mateo 25). Ibahagi sa isang tao ang paborito mong kuwento sa banal na kasulatan.

3: Binasbasan ni Jesus ang sakramento (tingnan sa Mateo 26:26–28). Basahin ang mga panalangin sa sakramento sa Doktrina at mga Tipan 20:77, 79.

2: Pinagaling ni Jesus ang maysakit (tingnan sa Mateo 14:14, Lucas 4:40). Tawagan o bisitahin ang isang maysakit o nangangailangan ng isang kaibigan.

1: Nanalangin si Jesus sa Ama sa Langit (tingnan sa Mateo 26:39). Manalangin upang pasalamatan ang Ama sa Langit para sa iyong mga pagpapala.

Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay: Basahin ang 1 Pedro 1:3. Alalahanin ang Tagapagligtas habang nagdiriwang ka ngayon!