2023
Dahil sa Tagapagligtas
Abril 2023


“Dahil sa Tagapagligtas,” Kaibigan, Abr. 2023, 2–3.

Mula sa Unang Panguluhan

Dahil sa Tagapagligtas

Larawan
Russell M. Nelson

Hango mula sa Facebook, Abr. 17, 2022, facebook.com/russell.m.nelson.

Larawan
si Jesucristo habang nakatingala sa langit na magkadaop ang mga kamay

Ipininta ni Michael Malm; larawang-guhit ni Christine M. Schneider

Tuwing Pasko ng Pagkabuhay, nagagalak tayo sa Pagkabuhay na Mag-uli ni Jesucristo. Ipinakita Niya sa atin kung paano magpatawad. Habang nakapako sa krus, hiniling Niya sa Ama sa Langit na patawarin ang mga nanakit sa Kanya. Tinuruan Niya tayong mahalin ang ating mga kaaway at ipagdasal sila.

Inaanyayahan ko kayong ipagdasal at isipin kung sino ang kailangan ninyong patawarin. Isipin din kung sino ang kailangan ninyong hingan ng tawad. Ipinapangako ko na kapag nagpatawad kayo at humingi ng tawad, maghahatid sa inyo ng kapayapaan ang Tagapagligtas.

Si Jesucristo ay nagbangon! Mahal Niya kayo! At dahil sa Kanya, madarama ninyo ang kagalakan at himala ng pagpapatawad.

Nagagalak sa Tagapagligtas

Larawan
Pahinang kukulayan ng masasayang bata sa labas

Lagi kong pupurihin

Ang Tagapagligtas

Sasabayan pag-awit

Ng lahat ng Banal.

Dahil ibinigay Niyang lahat

Ng mayro’n Siya,

Nagmamahal ako’t nabubuhay.

Shawna Edwards, “Dahil,” pahina 30