2023
Pamumuno na Tulad ni Jesus
Abril 2023


“Pamumuno na Tulad ni Jesus,” Kaibigan, Abr. 2023, 15.

Isinulat Mo

Pamumuno na Tulad ni Jesus

Larawan
Alt text

Larawang-guhit ni Toby Newsome

Hinilingan akong kumumpas sa mga himno sa sacrament meeting, at labis akong nag-alala. Hindi pa ako nakakumpas sa mga himno dati. Maraming beses akong nagpraktis sa buong linggo.

Kinausap ko ang tatay ko tungkol sa mga pag-aalala ko. Tinanong niya ako kung alam ko ang layunin ng pagkumpas. Sinabi ko na iyon ay para tumama ang pagkanta sa tiyempo at ritmo. Ang pagkumpas ay parang pagsunod sa lider.

Pagkatapos ng pag-uusap na ito, inisip ko kung paano naging katulad ng halimbawa ni Jesucristo ang pagiging tagakumpas. Siya ang ating lider at ginagabayan tayo sa tamang landas at sa tamang panahon. Ginagabayan Niya tayo sa kadiliman at Siya ang ating Pastol.

Nagdasal ako at nadama ko na ang tagakumpas ay talagang isang halimbawa ni Jesucristo. Mas natutuwa na ako ngayong kumumpas dahil kakatawanin ko si Cristo.