2022
Tama Lang ang Laki
Nobyembre 2022


Tama Lang ang Laki

Ayaw ni Trina na maiba.

Larawan
A girl named Trina stands in a space that is a textured yellow panel and a textured floor. This represents that she feels like she is small. Her friend, Josie, invites her to join the other kids in the primary class.

“Ang liit-liit mo!” sabi ni Sasha. “Ang dapat naming itawag sa iyo ay Trina Liit.”

Pinilit ni Trina na ngumiti. Lagi siyang tinutukso ng iba pang mga bata sa paaralan dahil sa kaliitan niya. Ipinanganak siyang maliit, at hindi siya lumaki nang kasimbilis ng ibang mga bata. Pero ayaw niyang matawag na Trina Liit. Ayaw niyang maiba.

“Sa liit mong iyan, baka hindi ka na lumaki kahit kailan,” sabi ni Max nang lumabas sila para mag-recess.

“Alam kong maliit ako,” sabi ni Trina. “Pero wala akong magagawa. Laro na tayo.”

Tumakbo si Trina para makipaglaro ng soccer sa iba pang mga bata. Sinipa nila nang pabalik-balik ang bola. Tuwang-tuwa silang lahat.

Pero hindi nagtagal ay napagod nang husto si Trina. Dahan-dahan siyang lumakad palayo sa laro at umupo sa damuhan.

Hindi nagtagal ay nilapitan siya ng kaibigan niyang si Josie. Kaklase niya rin si Josie sa Primary sa simbahan.

“OK ka lang ba?” tanong ni Josie.

“Oo,” sabi ni Trina. “Kailangan ko lang magpahinga. Napapagod ang baga ko kapag palagi akong tumatakbo. Medyo mahina ang mga ito.”

Umupo si Josie sa tabi ni Trina. Bumunot sila ng damo at gumawa ng maliliit na singsing at pulseras. Nag-usap sila tungkol sa paaralan at mga kaibigan at homework.

“Narinig ko ang sinabi ni Sasha,” sabi ni Josie. “Sori, tinawag ka niyang Trina Liit.”

Tumango lang si Trina.

“Pero sa tingin ko tama lang ang laki mo!” sabi ni Josie.

Ngumiti si Trina. Iniabot niya kay Josie ang pulseras na damong nagawa niya.

Nang sumunod na Linggo, naghanda nang magsimba si Trina. Isinuot niya ang kanyang damit at sinuklay ang kanyang buhok. Pagkatapos ay sinimangutan niya ang kanyang maliliit na sapatos sa aparador. Sigurado siya na wala nang iba pa sa Primary class niya na gayon kaliit ang sapatos.

Mabigat ang mga paa ni Trina habang naglalakad sa pasilyo ng simbahan. Pagdating niya sa Primary classroom niya, naghihintay si Josie sa labas.

“May sorpresa kami sa iyo!” sabi ni Josie. “Halika’t tingnan mo!”

Pagpasok ni Trina sa kuwarto, nakaturo ang iba pang mga bata at ang guro nilang si Sister Bott sa isang pisarang puno ng makikinang na dekorasyon. May mga pusong nakadikit doon. May mga nakasulat sa puso na, “Malaki ang ngiti ni Trina! Malaki ang puso ni Trina!”

Larawan
A girl named Trina stands in a space that is a textured yellow panel and a textured floor. This represents that she feels like she is small. Her friend, Josie, invites her to join the other kids in the primary class.

“Nagustuhan mo ba?” tanong ni Josie. “Tinulungan kami ni Sister Bott na gawin ito.”

“Gustung-gusto ko ito!” sabi ni Trina. “Salamat po.”

“Gusto naming ipaalala sa iyo ang isang malaking katotohanan,” sabi ni Sister Bott. “Mahal ng Ama sa Langit ang bawat isa sa atin. Pandak. Matangkad. Malaki. Maliit. Hindi iyon mahalaga sa Kanya. Anak Niya tayong lahat, at mahal Niya ang bawat isa.”

Tiningnan ni Trina ang mga pusong nasa pisara at ngumiti—nang malaki.

Larawan
story PDF

Larawang-guhit ni Olga Lee