2022
Para sa Mas Nakatatandang mga Bata
Nobyembre 2022


Para sa Mas Nakatatandang mga Bata

Larawan
activities for kids

Simpleng Paglilingkod

  • Ngitian ang mga taong makita mo.

  • Sulatan ang isang missionary.

  • Kumanta para pasayahin ang isang tao.

Pagluluto Kasama ang Kaibigan

Larawan
David Avalos smiles as he prepares a meal from a recipe found in a Friend magazine.

Gustung-gusto kong iluto ang mga resipe mula sa Kaibigan! Isa sa mga mithiin ko para sa programang Mga Bata at Kabataan ay ang matuto kung paano magluto. Masayang sundan ang mga resipe at napakasarap din. Natututo ako ng mga bagong pamamaraan sa pagluluto.

David A., edad 9, Utah, USA

Tip para sa Paghahandang Magpunta sa Templo

Sumulat ng awitin o tula tungkol sa mga templo, o magdrowing ng larawan ng templong pinakamalapit sa iyo.

Hamon sa Sining

Punuin ang espasyong ito ng maraming pattern hangga’t kaya mo.

Nagbibigay-inspirasyong mga Salita

“Magsaya kailanpaman, at sa lahat ng bagay ay magbigay-pasasalamat.” Doktrina at mga Tipan 98:1