2022
Thankful Tag
Nobyembre 2022


Masasayang Bagay

Thankful Tag

Larawan
Page from the November 2022 The Friend Magazine.

Itinuturo sa atin ng mga banal na kasulatan na maging mapagpasalamat (tingnan sa Mga Awit 100:4). Maaari kayong magsaya at magpasalamat kapag nilaro ninyo ang game na ito!

  1. Maghanap ng maluwag na espasyo kung saan maaari kayong magtakbuhan. Piliin ang isang lugar para maging “Thankful Area.”

  2. Maaaring i-tag ng lahat ang isa’t isa! Kapag na-tag ka, ilagay ang kamay sa lugar na na-tag sa iyo. Maaari mo pa ring i-tag ang mga tao gamit ang isa pang kamay mo.

  3. Kapag na-tag ka sa ikalawang pagkakataon, ilagay ang kabilang kamay mo sa pangalawang lugar na na-tag sa iyo.

  4. Kapag na-tag ka sa ikatlong pagkakataon, magpunta sa Thankful Area at sabihin ang tatlong bagay na pinasasalamatan mo. Kapag nakapagsabi ka na ng tatlong bagay, makakasali ka na ulit sa laro.

Larawang-guhit ni Stefani McClary