2022
Ang Liwanag at Kapayapaan ng Templo
Hulyo 2022


Mula sa Unang Panguluhan

Ang Liwanag at Kapayapaan ng Templo

Hango sa “Templo’y Ibig Makita,” Liahona, Mayo 2021, 28–31.

Larawan
President Eyring and his daughter outside temple

Ang pagtingin sa templo o sa larawan nito ay magbibigay sa iyo ng hangaring makapunta sa loob nito balang-araw. Darating ang araw na makakakuha ka ng temple recommend para magsagawa ng mga binyag sa templo. Kapag nabinyagan ka para sa isang taong namatay na, tinutulungan mo ang Tagapagligtas sa Kanyang sagradong gawain na pagpalain ang isang anak ng ating Ama sa Langit.

Ilang taon na ang nakararaan, sumama ako sa aking anak na babae sa templo. Siya ang huling bibinyagan sa araw na iyon. Tinanong ng isang temple worker ang anak ko kung maaari siyang manatili nang mas matagal pa para sa lahat ng mga pangalan na inihanda para sa araw na iyon. Pumayag siya.

Pinanood ko ang anak ko habang bumababa siya sa bautismuhan. Nagsimula ang mga pagbibinyag. Dumaloy ang tubig sa kanyang mukha tuwing aahon siya sa tubig. Paulit-ulit siyang tinanong, “Kaya mo pa ba?” Sa bawat pagkakataon, sumagot siya ng oo sa isang determinadong tinig. Nanatili siya hanggang sa matanggap ng huling tao sa listahan para sa araw na iyon ang pagpapalang mabinyagan sa pangalan ni Jesucristo.

Naaalala ko pa rin ang pakiramdam ng liwanag at kapayapaan nang magkasama kaming maglakad mula sa templo. Ganyan tayo pinasisigla at binabago ng paglilingkod sa templo.

Liwanag sa Templo

Larawan
temple pictures to cut out

Ilagay ang mga larawang ito sa inyong tahanan para ipaalala sa inyo na makakapunta kayo sa loob ng templo balang-araw.

Mga larawang-guhit ni David Habben