2022
Si Jesus ay Nag-ukol ng Panahon sa Iba
Hulyo 2022


Pagtulong na Tulad ni Jesus

Si Jesus ay Nag-ukol ng Panahon sa Iba

Larawan
Jesus Christ with children in the Americas

Matapos mabuhay na mag-uli si Jesucristo, binisita Niya ang Kanyang mga tao sa mga lupain ng Amerika. Hinayaan Niyang madama ng bawat tao ang mga bakas ng pako sa Kanyang mga kamay. Tinuruan Niya sila at nanalangin na kasama nila. Nag-ukol siya ng panahon na pagalingin ang mga maysakit o nasaktan. Pagkatapos ay inanyayahan Niya ang maliliit na bata na lumapit sa Kanya. Isa-isa silang binasbasan ni Jesus.

Larawan
Thomas Snelgrove

Nagbabasa ako ng isang hamon sa Helping Hands kasama ng nanay ko. Pagkatapos ay nakita ko ang matanda naming kapitbahay na nagtatrabaho sa kanyang bakuran. Sinabi kong, “Inay! Maaari po tayong tumulong!” Tinanong namin ang aming kapitbahay kung maaari kaming tumulong. Nagpasalamat siya nang husto.

Thomas S., edad 6, Idaho, USA

Larawan
Page from the July 2022 Friend Magazine.

Larawang-guhit ni Melissa Manwill