2022
Paglilibot sa Templo
Hulyo 2022


Paglilibot sa Templo

Larawan
temple with palm trees outside

Ano ba ang hitsura ng loob ng templo? Tingnan ang loob ng Rio de Janeiro Brazil Temple para malaman ito. Ang templo ay isang lugar kung saan tumatanggap ang mga tao ng mga ordenansa (mga sagradong gawain o seremonyang ginawa nang may awtoridad ng priesthood, tulad ng binyag).

Recommend Desk

Larawan
check-in desk with painting of Jesus on wall

Kapag pumasok ka sa templo, isang volunteer ang babati sa iyo. Kung naroon ka para mabinyagan at makumpirma para sa iba, dapat mong ipakita ang iyong paper temple recommend. Ipinapakita nito na handa ka nang pumasok sa templo. Maaari kang makakuha ng recommend mula sa iyong bishop o branch president sa taon na magiging 12 taong gulang ka.

Baptistry

Larawan
baptistry inside temple

Pagtuntong mo ng 12 taong gulang, maaari kang binyagan para sa mga taong namatay na hindi nabinyagan. Maaari ka ring makumpirma para sa kanila upang matanggap nila ang kaloob na Espiritu Santo.

Ordinance Room

Larawan
room with chairs and curtain

Dito ay marami ka pang malalaman tungkol sa plano ng kaligayahan ng Ama sa Langit at sa Kanyang layunin para sa atin sa lupa. Balang-araw maaari kang pumunta rito upang gumawa ng espesyal na mga tipan, o pangako, sa Kanya.

Celestial Room

Larawan
beautiful room with chandelier and tall windows

Ang maganda at payapang silid na ito ay isang lugar para manalangin at isipin ang mga bagay na pinakamahalaga sa iyong buhay. Ipinapaalala nito sa atin kung ano ang maaaring maging pakiramdam sa ating tahanan sa langit.

Sealing Room

Larawan
beautiful room with mirrors, chairs, and an altar to kneel at

Sa silid na ito, ang mag-asawa ay maaaring ikasal para sa walang-hanggan. Tinatawag itong sealing o pagbubuklod. Lumuluhod ang mga ikakasal o mag-asawa sa altar para mabuklod. Maaari ding mabuklod ang mga anak sa kanilang mga magulang dito kung sila ay inampon o isinilang bago ibinuklod ang kanilang pamilya.

Larawan
Page from the July 2022 Friend Magazine.