2022
Ikaw ay Minamahal na Anak ng Diyos
Enero 2022


Mula sa Unang Panguluhan

Ikaw ay Minamahal na Anak ng Diyos

Hango mula sa Brodkast ng Kaibigan sa Kaibigan para sa mga Bata: 2021. Panoorin ito sa ChurchofJesusChrist.org/broadcasts.

Larawan
pictures of children’s faces

Mga bata kong kaibigan, mahal ko kayo! Kapag nakikita ko kayo, naiisip ko ang aking mga apo sa tuhod. Alam ba ninyo na sa aking pamilya, mayroon kaming mahigit sa 100 apo sa tuhod na wala pang 12 taong gulang? Sila ay matatalino at napakaespesyal tulad ninyo.

Kayo ay mga minamahal na anak ng Diyos. Nawa’y tandaan ninyo iyan. Kung palagi ninyong tatandaan ang dalisay na katotohanang iyan, makakaya ninyong harapin ang anumang problema nang may pananampalataya at tapang.

Kapag nabinyagan at nakumpirma kayo, nangangako kayo na susundin ninyo ang Panginoon. At nangangako Siya na isusugo Niya ang Kanyang Espiritu para gabayan kayo. Isipin lang ang liwanag at pagmamahal na maibibigay ninyo sa mundo bilang matatapat na tagasunod ni Jesucristo!

Mahal kong mga batang kaibigan, ipinagmamalaki ko ang bawat isa sa inyo! Alam ko na binabantayan kayo ng Ama sa Langit. Mahal na mahal Niya kayo, at gayon din ako.

Ang Plano ng Kaligayahan ng Ama sa Langit

Larawan
Page from the January 2022 Friend Magazine.

Kulayan ang mga larawan para malaman ang iba pa tungkol sa plano ng Ama sa Langit. Basahin ang iba pa sa Abraham 3–5.

Namuhay tayo sa piling ng Ama sa Langit bago tayo isinilang.

Hiniling Niya kay Jesucristo na likhain ang mundo para sa atin.

Nilikha ni Jesus ang araw, ang buwan, at ang mga bituin para magbigay ng liwanag.

Pinaganda ni Jesus ang mundo gamit ang mga puno at bulaklak. Gumawa Siya ng mga isda, ibon, at iba pang hayop.

Pagkatapos ay inilagay ng Ama sa Langit sina Adan at Eva, ang ating mga unang magulang, sa mundo.

Mahal ako ng Ama sa Langit at palaging Niya akong binabantayan.

Mga paglalarawan ni Elise Black