2022
Paghahanap ng Kayamanan ng Pamilya
Enero 2022


Paghahanap ng Kayamanan ng Pamilya

Larawan
Page from the January 2022 Friend Magazine.

Maghanap ng kayamanan at alamin ang tungkol sa iyong pamilya! Bawat buwan ay magkakaroon ng bagong hamon at badge na idaragdag sa iyong kahon ng kayamanan. Maaari kang mangolekta at gumawa ng mga kayamanan na idaragdag sa iyong kahon sa buong taon.

Ang Hamon sa Buwang Ito

Humingi sa iyong magulang ng isang kahon na walang laman na maaari mong gamitin. Pagkatapos ay palamutian ang labas ng kahon ng mga bagay tungkol sa iyong pamilya. Mag-iwan ng espasyo sa iyong kahon ng kayamanan para sa mga badge na makukuha mo bawat buwan!

Mga Ideya sa Pagpapalamuti

  • Gumuhit ng larawan ng iyong pamilya at ilagay ito sa kahon.

  • Bakatin ang iyong mga kamay sa isang gilid ng kahon.

  • Mag-print ng ilang larawan ng iyong pamilya.

Mga paglalarawan ni Steven D. Keele