2022
Para sa Mas Nakatatandang mga Bata
Enero 2022


Para sa Mas Nakatatandang mga Bata

Larawan
Page from the January 2022 Friend Magazine.

Lihim na Paglilingkod

  • Maglinis ng kalat nang hindi inuutusan.

  • Hayaang mauna sa iyo ang isang tao sa pila.

  • Magbahagi ng isang talata mula sa banal na kasulatan para matulungan ang isang tao.

Nasagot na Panalangin

Minsan ay nawala ko ang isa sa aking mga hearing aid sa paaralan. Lahat kami ay nataranta. Pagkatapos ay nanalangin ang isang guro. Hindi siya miyembro ng ating Simbahan. Natagpuan namin ang aking hearing aid sa sahig. Nasagot ang kanyang panalangin! Nagpapasalamat ako para sa aking guro.

Maxwell W., edad 10, Iowa, USA

Mungkahi para sa Paghahandang Makapunta sa Templo

Ang templo ay isang banal na lugar. Ano ang ibig sabihin sa iyo ng salitang banal? Pag-usapan ito kasama ng isang magulang o lider at isulat ang tungkol dito sa iyong journal.

Hamon sa Sining

Gumuhit ng iba’t ibang linya sa papel. Anong mga hugis ang nakikita mo? Ano ang ipinapaalala nito sa iyo? Ngayon ay gawin itong isang larawan!

Mga Nagbibigay-inspirasyong Salita

“Sa pamamagitan ng maliliit at mga karaniwang bagay ay naisasakatuparan ang mga dakilang bagay” (Alma 37:6).

Mga paglalarawan ni Adam Koford