2022
Lakas ng Loob mula sa Espiritu Santo
Enero 2022


Isinulat Mo

Lakas ng Loob mula sa Espiritu Santo

Larawan
boy talkng with mom

Nakahiga ako sa kama matapos akong kumutan ng aking ina bago matulog. Naisip ko ang ilang lihim na itinatago ko. Nakonsiyensya ako. Pagkatapos ay naalala kong manalangin. Nang gawin ko ito, sinabi sa akin ng Espiritu Santo na kausapin ko ang aking ina tungkol sa nasa isip ko.

Sa di-maipaliwanag na dahilan, nag-atubili akong kausapin ang aking ina tungkol dito. Alam ko na sinisikap ni Satanas na takutin ako. Alam ko rin, sa pamamagitan ng Espiritu Santo, na ang pakikipag-usap sa aking ina ang tamang gawin.

Sa wakas, nagkaroon ako ng lakas ng loob na tanungin ang aking ina kung puwede kaming mag-usap. Sinabi ko sa kanya ang lahat ng nagawa ko at kung ano ang nadarama ko. Nagulat ako na hindi siya nagalit. Sinabi niya sa akin kung gaano siya kasaya na nagkaroon ako ng lakas ng loob na kausapin siya. Nagyakapan kami, at hiniling ko sa kanya na patawarin niya ako. Nakadama ako ng kapanatagan at kaligayahan.

Larawan
boy praying

Muli akong nanalangin sa aking Ama sa Langit at hiniling ko sa Kanya na patawarin din Niya ako. Napakasarap ng pakiramdam na sundin ang Espiritu at gawin ang tama. Nagpapasalamat ako kay Jesus, na ginawang posible na makapagsisi ako kapag nagkakamali ako. Nagpapasalamat din ako sa Espiritu Santo, na tumulong sa akin na gumaan ang pakiramdam ko. At nagpapasalamat ako sa isang mapagmahal na ina na nakikinig at nakauunawa sa akin.