2021
Bakit Gustung-Gusto Ko ang Mga Saligan ng Pananampalataya
Disyembre 2021


Kaibigan sa Kaibigan

Bakit Gustung-Gusto Ko ang Mga Saligan ng Pananampalataya

Larawan
dad handing boy a small plant

Noong bata pa ako, masaya ako sa Primary. Gustung-gusto kong bigkasin ang Mga Saligan ng Pananampalataya. Kahit noong bata pa ako, nauunawaan ko na ang mga ito. Napagpala ako habang ipinamumuhay ko ang mga ito.

Isa sa mga paborito ko ang ikalabintatlong saligan ng pananampalataya. Gusto ko talaga ang unang limang salita. Sabi nito, “Naniniwala kami sa pagiging matapat.”

Larawan
boy planting the small plant

Naaalala ko kung paano ako tinuruan ni Itay tungkol sa katapatan. Nagsimula siya noong bata pa ako. Bibigyan niya ako ng isang bagay na aalagaan ko para sa kanya. Pagkatapos ay tinatanong niya ako kung nasa akin pa rin ito. Masaya akong sabihing, “Opo, Itay, inaalagaan ko ito.” Sa ganitong paraan, itinuro sa akin ni Itay na maging matapat at gawin ang sinabi kong gagawin ko.

Larawan
boy showing dad how big the plant grew

Ang ikalabintatlong saligan ng pananampalataya ay nagtuturo sa atin na maging tunay na mga tagasunod ni Jesucristo. Nais kong pag-aralan ito ng bawat batang lalaki at batang babae at ipamuhay ang sinasabi nito.

Larawan
picture of 13th article of faith

Ibahagi sa iyong pamilya at mga kaibigan ang Mga Saligan ng Pananampalataya. Sabihin sa kanila kung paano ka natutulungan ng Mga Saligan ng Pananampalataya sa iyong buhay. Alam ko na kapag ginawa mo ito, mas magiging maliwanag ang iyong buhay. Magiging ilaw ka rin sa iba.

Larawan
December 2021 Friend Magazine

Mga paglalarawan ni Becky Davies