2021
Isang Regalo para kay Jesus
Disyembre 2021


Isang Regalo para kay Jesus

Larawan
girl holding red gift box with red bow

Malapit na ang Pasko noon! Hindi na makapaghintay si Amy.

“Nasa inyo po ba ang kahon na para kay Jesus?” tanong ni Amy kay Inay. “Halos kaarawan na Niya!”

“Masaya ako na naalala mo,” sabi ni Inay.

Naglagay si Inay ng pulang kahon sa mesa. Makinang ito. Mayroon itong pulang laso sa ibabaw. Bawat taon para sa Pasko, isinusulat ni Amy at ng kanyang pamilya ang mabubuting bagay na ginawa nila. Inilalagay nila ang mga ito sa kahon.

“Sinusunod natin si Jesus kapag tinutulungan natin ang iba,” sabi ni Inay. “Ito ang regalo natin kay Jesus.”

Gusto ni Amy na punuin ang buong kahon ng mga regalo para kay Jesus! Nag-isip siya ng mabubuting bagay na kaya niyang gawin.

Sa hapunan, nagtanong si Itay, “Mayroon bang maisusulat ang sinuman na regalo para kay Jesus?”

“Opo!” sabi ni Amy. “Tumulong po akong iligpit ang bota ni Ari.”

“Ang bait naman,” sabi ni Itay. Isinulat niya ito sa isang papel. Inilagay ni Amy ang papel sa kahon.

Larawan
girl hanging up coat

Bawat araw, nagsikap si Amy na gumawa ng mabubuting bagay. Gusto niyang sundin si Jesus.

Tinulungan niya si Itay na bumili ng pagkain sa tindahan.

Larawan
girl grocery shopping with dad

Isinabit niya ang kanyang pangginaw.

Tinulungan niya si Inay na hugasan ang mga pinggan.

Hindi siya nakipag-away sa kanyang kapatid.

Araw-araw, naglalagay si Amy ng isang kabaitan sa makinang na kahon. Hindi nagtagal ang kahon ay puno ng mabubuting bagay!

Sa wakas ay Araw na ng Pasko. Binuksan ni Amy ang ilang regalo. Binuksan din niya ang regalo para kay Jesus! Naghalinhinan sina Inay at Itay sa pagbabasa ng lahat ng mabubuting bagay sa kahon.

Maganda ang naging pakiramdam ni Amy. Ang pagtulong sa iba ay nagpasaya sa kanya. Alam niya na nagpasaya rin ito kay Jesus!

Larawan
December 2021 Friend Magazine

Mga paglalarawan ni Christine Grove