2021
Si Jesus ay Tumulong sa Iba
Disyembre 2021


Pagtulong Tulad ni Jesus

Si Jesus ay Tumulong sa Iba

Larawan
Jesus healing a blind man

Noong bata pa si Jesus, hindi ligtas para sa Kanyang pamilya na manatili sa Judea. Kaya nilisan nina Maria, Jose, at Jesus ang kanilang tahanan at nagpunta sa Egipto. Sila ay mga refugee noon.

Naunawaan ni Jesus kung ano ang pakiramdam ng hindi sila kabilang. Tinulungan Niya ang lahat, kahit na ayaw tumulong ng iba. Pinagaling Niya ang mga ketongin at kumain na kasama ang mga makasalanan. Nagpakita Siya ng pagmamahal sa lahat.

Larawan
Two girls sitting on a couch

Ang ilan sa mga bagong kaibigan ko ay mula sa Afghanistan. Talagang mababait sila. Pagsapit ng Pasko, dinalhan namin sila ng mga bagong coat. Masayang-masaya sila na hindi na sila giginawin. Pero ang mas mahalaga, masaya silang malaman na hindi sila nakalimutan.

Camdyn L., edad 8, Washington, USA

Larawan
December 2021 Friend Magazine

Paglalarawan ni Harry Anderson