2021
Noong Isinilang si Jesus
Disyembre 2021


Noong Isinilang si Jesus

Gupitin ang mga larawan at gamitin ang mga ito para ikuwento ito.

Larawan
cut-out images of the Nativity scene

Sa Pasko ay ipinagdiriwang natin ang isa sa mga pinakamahalagang bagay na nangyari. Si Jesucristo ay isinilang!

Noong isinilang si Jesus, isang bagong bituin ang nagliwanag sa tapat ng Bet-lehem. Ipinapaalala nito sa atin na si Jesus ang Ilaw ng Sanlibutan.

Si Maria ang ina ni Jesus. Si Jose ang kanyang asawa. Inalagaan nilang mabuti si Jesus. Maaari rin nating alagaan ang bawat isa. Tayong lahat ay mga anak ng Diyos.

Ikinuwento ng mga anghel sa mga pastol ang tungkol kay Jesus. Dumating ang mga pastol para dumalaw sa Kanya. Maaari rin nating sabihin sa iba ang tungkol kay Jesus.

Sinundan ng mga Pantas na Lalake mula sa malayo ang maningning na bagong bituin para mahanap si Jesus. Binigyan nila Siya ng mga regalo. Maaari rin nating sundin si Jesus!

Natulog si Jesus sa isang kuwadra kung saan naroon ang mga hayop. Paano mo binibigyan ng puwang si Jesus sa iyong buhay?