Seminary
Genesis 1–2; Moises 2–3; Abraham 4–5: Buod


“Genesis 1–2; Moises 2–3; Abraham 4–5: Buod,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Lumang Tipan (2026)

“Genesis 1–2; Moises 2–3; Abraham 4–5: Buod,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Lumang Tipan

Genesis 1–2; Moises 2–3; Abraham 4–5

Genesis 1–2; Moises 2–3; Abraham 4–5

Buod

Sa ilalim ng pamamahala ng Ama sa Langit, nilikha ni Jesucristo ang mundo. Sa ikaanim na araw ng paglikha, sina Adan at Eva ay nilikha ayon sa larawan ng Diyos. Pinagbuklod ng Panginoon sina Adan at Eva sa kasal at iniutos sa kanila na magpakarami at kalatan ang lupa.

icon ng seminaryLumikha ng mga kapaligiran at oportunidad upang maturuan ng Espiritu Santo ang mga mag-aaral. Ang nagbibigay-inspirasyong musika ay makapag-aanyaya sa impluwensya ng Espiritu Santo at magkakaroon ng pagpipitagan sa klase. Para malaman ang iba pa, tingnan ang “Lumikha ng mga kapaligiran at oportunidad upang maturuan ng Espiritu Santo ang mga mag-aaral,” sa Mga Kasanayan para sa Pag-unlad ng Guro. Matatagpuan ang isang halimbawa ng kung paano ito gawin sa Lesson 7: “Genesis 1:1–25.”

Maghandang magturo

Ang sumusunod na impormasyon ay nagbibigay sa iyo ng mga ideya sa kung ano ang maaaring kailangan mong ihanda nang maaga para sa bawat lesson.

Genesis 1:1–25

Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na makadama ng pagmamahal at pasasalamat para sa Ama sa Langit at kay Jesucristo habang pinag-aaralan nila ang Paglikha sa mundo.

  • Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na pagnilayan ang kagandahan ng mundo at lahat ng nilikha ng Diyos. Sabihin sa kanila na magdala ng larawan ng isang bagay sa mundong ito na ikinasisiya nila o maging handang magsalita tungkol dito.

  • Mga larawan: Magandang gusali na kilala sa inyong lugar; magandang tanawin na malapit sa inyong lugar

  • Nilalamang ipapakita: Chart na kumakatawan sa unang anim na araw ng Paglikha; mga banal na kasulatang nakalista sa ilalim ng heading na “Ang tungkulin ng Tagapagligtas bilang Tagapaglikha” para pag-aralan ng mga estudyante; mga opsiyon para sa mga estudyante na nakalista sa ilalim ng heading na “Magpasalamat sa Tagapaglikha”

  • Video:Nabuhay Tayo sa Piling ng Diyos” (4:00)

Genesis 1:26–27

Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na maunawaan ang kahalagahan ng kanilang identidad at potensyal bilang mga anak na lalaki at babae ng mga magulang sa langit.

  • Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na isaulo o rebyuhin ang mga panimulang linya ng mga tema ng Young Women at Aaronic Priesthood, at pagnilayan ang kahalagahan ng bawat pahayag:

    • “Ako ay minamahal na anak na babae ng mga magulang sa langit, na may banal na katangian at walang hanggang tadhana.”

    • “Ako ay minamahal na anak na lalaki ng Diyos, at may gawain Siyang ipinagagawa sa akin.”

  • Nilalamang ipapakita: Timeline mula sa simula ng lesson

  • Mga Video:Mga Pagpiling May Epekto sa Kawalang-Hanggan” (31:24; panoorin mula sa time code na 13:21 hanggang 13:52); “Running Toward the Light” (17:34; panoorin mula sa time code na 11:00 hanggang 15:18)

  • Handout:Ako ay Anak ng Diyos

Genesis 1:28–31; 2:1–25

Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na maunawaan ang mahalagang papel ng kasal at pamilya sa plano ng kaligtasan ng Ama sa Langit.

  • Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na pag-aralan ang “Ang Mag-anak: Isang Pagpapahayag sa Mundo,” at alamin ang mga turong naglalarawan kung bakit ang pamilya ang sentro sa plano ng kaligtasan ng Ama sa Langit.

  • Nilalamang ipapakita: Hindi kumpletong mga pangungusap sa simula ng lesson; pahayag mula sa “Ang Mag-anak: Isang Pagpapahayag sa Mundo”; mga tagubilin, pahayag, at mga banal na kasulatan para sa aktibidad sa pag-aaral sa ilalim ng heading na “Mga Turo mula sa mga banal na kasulatan”; mga tagubilin para sa mga estudyante na gumawa ng sagot sa katapusan ng lesson