Library
Pambungad sa Home-Study Seminary Program


Pambungad sa Home-Study Seminary Program

Ang home-study seminary program ay nilayong tulungan ka na mapalalim ang iyong pag-unawa sa ebanghelyo ni Jesucristo at maipamuhay ang mga turo nito sa iyong buhay sa araw-araw sa pamamagitan ng pag-aaral ng mga banal na kasulatan. Para sa iyong pag-aaral sa taong ito, babasahin mo muna ang mga reading assignment mula sa teksto ng banal na kasulatan sa kursong ito—ang Bagong Tipan—at pagkatapos ay kukumpletuhin (babasahin at sasagutan) mo ang bawat lesson. Magkikita kayo ng seminary titser mo isang beses bawat linggo para ipasa ang iyong ginawa at makibahagi sa isang weekly lesson.

Larawan
dalagitang nagbabasa

Ang seminary ay isang araw-araw na religious education program. Dapat maging araw-araw na gawain ang mapanalanging pag-aaral ng iyong banal na kasulatan. Kakailanganin mong gawin ang iyong mga seminary assignment araw-araw, kahit hindi ka dumadalo sa isang seminary class bawat araw. May 32 unit na kukumpletuhin sa kursong ito. Makikita sa chart sa pagbabasa sa pahina 000 ang mga dapat mong pag-aralan para sa bawat unit. Tutulungan ka ng iyong titser na maunawaan kung kailan dapat ipasa ang bawat unit. Ang mga lesson sa gabay na ito sa pag-aaral ay aabutin ng mga 30 minuto para makumpleto, bilang karagdagan sa iyong araw-araw na pagbabasa ng mga banal na kasulatan.

Dapat may dalawa kang scripture study journal (o dalawang notebook), bukod pa sa iyong personal journal, kung saan isusulat mo ang mga assignment mula sa mga aktibidad sa gabay sa pag-aaral. Sa bawat pagkikita ninyo ng iyong titser bawat linggo, dapat mong ipasa ang scripture study journal na naglalaman ng mga natapos na assignment mula sa mga aktibidad sa gabay sa pag-aaral na nakumpleto mo para sa linggong iyon. Babasahin at magkokomento ang iyong titser sa mga assigment at ibabalik sa iyo ang scripture study journal na iyon sa susunod na linggo. Maaari mo ring isulat ang iyong mga sagot sa isang papel sa loose-leaf binder at ipasa ang mga pahinang ginawa mo sa linggong iyon. Pagkatapos, kapag ibinalik ng iyong titser ang mga pahina, ibalik ang mga ito sa notebook.

Paggamit ng Manwal na Ito sa Daily Seminary Program

Ang manwal na ito ay magagamit ng mga titser at mga estudyante sa daily seminary program para mapaganda ang mga lesson o para sa make-up work. Gayunman, hindi ito nilayon na ibigay sa bawat estudyante ng daily seminary. Kung kailangang mag-make-up work ng isang estudyante, maaaring ipakumpleto sa kanya ng titser ang home-study lesson na tugma sa lesson na hindi niya nadaluhan.

Paggamit ng Gabay sa Pag-aaral ng Bagong Tipan para sa mga Estudyante ng Home-Study

Pambungad sa Teksto ng mga Banal na Kasulatan

Ang pambungad ay nagbibigay ng impormasyon at buod ng teksto ng banal na kasulatan para sa bawat lesson.

Mga Grupo ng mga Scripture Verse at Buod ng Nilalaman

Makikita sa paggugrupo-grupo ng mga scripture verse ang mga natural break kung saan nagaganap ang pagbabago sa pangyayari o paksa. Bawat isa nito ay sinusundan ng isang maikling buod ng mga pangyayari o mga turo sa mga scripture verse.

Mga Doktrina at mga Alituntunin

Kapag natukoy ang mga doktrina at mga alituntunin ng ebanghelyo mula sa teksto ng banal na kasulatan, nakasulat ang mga ito sa bold letter para matulungan kang mapansin ang mga ito.

Mga Tulong sa Pag-aaral

Ang mga tulong sa pag-aaral ay nagbibigay ng kaalaman at nagpapaliwanag ng mga gawain na maaaring magpaibayo sa iyong pag-aaral at pag-unawa sa mga banal na kasulatan.

Scripture Mastery

Bawat isa sa 25 scripture mastery passage na matatagpuan sa Bagong Tipan ay nakahiwalay sa lesson kung saan ito makikita, na makatutulong sa iyo na mas mapalalim ang iyong pagkaunawa rito.

Pagsusulat ng mga Sagot sa Manwal

Ipasusulat minsan sa iyo ang mga sagot sa manwal sa mga blankong linya o sa isang chart.

Mga Scripture Study Journal Assignment

Ang mga scripture study journal assignment ay dapat sagutan at isulat at ibigay sa iyong titser bawat linggo para sa feedback. Makatutulong ang mga sagot na pinag-isipang mabuti sa pagkakaroon mo ng makabuluhang karanasan habang iyong pinag-aaralan at ipinamumuhay ang mga katotohanan mula sa mga banal na kasulatan.