Pag-aaral ng Ingles
Mga Halimbawa


“Mga Halimbawa,” Gabay sa Pagpapatupad ng EnglishConnect (2023)

“Mga Halimbawa,” Gabay sa Pagpapatupad ng EnglishConnect

Mga Halimbawa

Nasa ibaba ang ilang halimbawa kung paano mag-organisa ng mga grupo para matugunan ang mga lokal na pangangailangan.

Mga Ongoing Group

Mga Two-Unit Group

Mga Youth Group

Mga Missionary-Led Group

Mga Ongoing Group

Nais ng isang stake council na magkaroon ng mga EnglishConnect group na maaaring salihan ng mga miyembro ng stake at komunidad anumang oras. Umaasa sila na bibigyan ng mga EnglishConnect group ang mga miyembro ng Simbahan ng mga oportunidad na maglingkod. Umaasa rin sila na ang mga grupong ito ay magbibigay sa mga miyembro ng komunidad ng mga pagkakataong malaman pa ang tungkol kay Jesucristo at madama ang pagmamahal ng mga miyembro ng Simbahan.

Pumili sila ng isang gusali na pinakamalapit sa karamihan sa mga tao na malamang na dumalo. Nagpasiya sila na magmimiting ang mga grupo ng Martes ng gabi mula alas-7:00 hanggang alas-8:30 n.g. Tumawag sila ng apat na guro, dalawa para sa EnglishConnect 1 at dalawa para sa EnglishConnect 2. Hiniling nila sa isa sa mga guro na maging coordinator ng buong programa at binigyan ang gurong iyon ng calling bilang welfare and self-reliance specialist sa Leader and Clerk Resources. Sa calling o tungkuling ito, maaaring irehistro ng coordinator ang mga grupo sa QuickReg.

Pagkatapos ay ia-advertise ng stake council ang mga grupo sa pamamagitan ng pamimigay ng mga flyer sa simbahan, pagpo-post tungkol dito sa mga social media platform, at paghiling sa mga missionary na anyayahan ang mga taong nakikilala nila. Noong una, pinasasali ng stake ang mga mag-aaral sa isang virtual EnglishConnect 3 group para sa kanilang lugar kapag handa na silang lumipat mula sa EnglishConnect 2. Sa paglipas ng panahon, ang stake ay may sapat na mga kalahok para makasuporta ng isang EnglishConnect 3 group sa parehong gusali ng Simbahan na pinagdarausan ng EnglishConnect 1 at 2 group. Nakikipagtulungan sila sa kanilang kontak sa BYU–Pathway Worldwide para atasan ang mga missionary ng PathwayConnect na pangasiwaan ang EnglishConnect 3 group.

Mga Two-Unit Group

Nais ng ward council na bigyan ang mga miyembro ng ward at komunidad ng pagkakataong matuto ng Ingles. Sinubukan na nilang mangasiwa ng isang EnglishConnect group dati, ngunit karamihan sa mga kalahok ay nahirapang mangako na dadalo sa inaalok na buong 25-linggo. Nagpasiya silang mag-alok ng mga grupo na dalawang unit lamang ang saklaw.

Plano ng mga lider na magmiting ang mga grupo tuwing Martes at Biyernes mula alas-7:30 hanggang alas-9:00 n.g. Tumawag sila ng apat na guro, dalawa para sa EnglishConnect 1 at dalawa para sa EnglishConnect 2. Inirehistro nila ang mga grupo sa QuickReg at ina-advertise ang mga grupo sa pamamagitan ng paglalagay ng karatula sa labas ng gusali ng Simbahan. Gumawa rin sila ng mga flyer na maaaring ipamigay ng mga miyembro sa kanilang mga kaibigan o nagse-share sila sa social media.

Sa pagtatapos ng buwan, tinapos ng mga lider ang mga grupo sa QuickReg at nagplano na simulan ang susunod na dalawang unit sa malapit na hinaharap.

Mga Youth Group

Nais ng isang stake council na tulungan ang mga kabataan na ma-access ang mga oportunidad na makapag-aral at makapagtrabaho kapag natapos na nila ang programa ng mga kabataan at nakauwi na mula sa kanilang misyon. Umaasa rin ang mga lider na ang pag-aaral ng Ingles sa EnglishConnect ay tutulong sa mga kabataan na matutong maging katuwang ng Diyos upang makamit ang makabuluhang mga mithiin. Nagpasiya silang simulan ang mga EnglishConnect group para sa mga kabataan sa kanilang stake.

Malayo ang tirahan ng mga kabataan sa isa’t isa, kaya nagpasiya ang mga lider na magmiting nang virtual ang mga grupo tuwing Martes mula alas-8:00 hanggang alas-9:00 n.g. Tumawag sila ng isang returned missionary at isang kabataan na nakakaalam ng kaunting Ingles para turuan ang grupo. Sinisigurado ng mga lider na sinusunod nila ang mga patakaran ng Simbahan sa pagprotekta sa mga kabataan. Halimbawa, tinitiyak nila na dalawang adult na nakakumpleto ng youth protection training ang naroon sa bawat virtual meeting at bawat kabataan ay may form ng pahintulot ng magulang na may lagda ng magulang.

Ang mga lider ay nag-set-up din ng monitored WhatsApp group para sa guro o lider upang makapagpraktis ang mga kabataan ng kanilang Ingles araw-araw. Tinutulungan ng WhatsApp group na makabahagi ang mga kabataan na hindi makakasama sa mga miting sa Martes.

Ang mga lider ay nakikipagtulungan sa kanilang area welfare and self-reliance manager upang masimulan ang isang EnglishConnect 3 youth group sa kanilang lugar para sa mga may kakayahan sa wikang Ingles na higit pa sa EnglishConnect 2.

Mga Missionary-Led Group

Gustong gamitin ng mga mission leader ang EnglishConnect para ibahagi ang ebanghelyo ni Jesucristo. Alam nila na mas lubos na nakakatulong ang mga EnglishConnect group kapag pinangangasiwaan ito ng mga miyembro at sinusuportahan ng mga missionary. Sa council kasama ang mga stake president sa mission, ipinasiya nila na sisimulan ng mission ang mga EnglishConnect group at sisikaping ipagpatuloy ito ng mga stake.

Nagpasiya ang mga missionary ng mga oras na magmimiting ang mga grupo na akma sa kanilang mga proselyting schedule at i-maximize ang access sa mga tao sa komunidad. Bagama’t nagsimula ang mga missionary bilang mga guro sa EnglishConnect, nakikipagtulungan din sila sa mga priesthood leader upang maghanap ng mga lokal na miyembro na papalit sa kanila, ang ilan sa mga ito ay maaaring dating mag-aaral ng EnglishConnect 1 at 2. Sa paglipas ng panahon, naging tungkulin ng mga missionary ang sumuporta. Patuloy na sinusuportahan ng mga missionary ang mga grupo sa pamamagitan ng pagdalo nang regular, pag-refer sa mga bagong mag-aaral, at paghikayat sa mga mag-aaral na humingi ng tulong sa Diyos para matuto ng Ingles.