“Buod,” Gabay sa Pagpapatupad ng EnglishConnect (2023)
“Buod,” Gabay sa Pagpapatupad ng EnglishConnect
Buod
Ang EnglishConnect ay mayroong ilang antas para matulungan ang mga mag-aaral na sumulong. Ang kursong EnglishConnect 1 at 2 ay tumutulong sa mga mag-aaral na magkaroon ng mga basic English-language skill. Ang EnglishConnect 3 ay tumutulong sa mga mag-aaral na magkaroon ng mga intermediate English-language skill para sa mga oportunidad sa trabaho, paglilingkod, at edukasyon—lalo na sa BYU–Pathway Worldwide.
Ang EnglishConnect ay pinakaepektibo kapag lahat ng antas ay makukuha ng mga mag-aaral.
Mga Kinakailangan para sa Paglahok
Ang mga mag-aaral ay dapat marunong bumasa at sumulat sa kanilang katutubong wika at 11 taong gulang man lang para makasali sa mga EnglishConnect group.
Nasa ibaba ang mga kakayahan sa wikang Ingles na kailangan ng mga mag-aaral upang masimulan ang bawat antas.
EnglishConnect 1: Nababasa ang alpabeto at nasasalita ang mga simpleng salita
EnglishConnect 2: Nakakabuo ng mga simpleng pangungusap
EnglishConnect 3: Nakakasalita nang mahusay; nakakabasa at nakakasulat ng mga simpleng pangungusap*
*Kailangang maipasa ng mga mag-aaral ang English-language assessment para makasama sa EnglishConnect 3.