“Apendise B: Oral Proficiency Interview para sa Trabaho sa mga Grupo sa EnglishConnect 1 at 2,” EnglishConnect para sa mga Guro (2023)
“Apendise B,” EnglishConnect para sa mga Guro
Apendise B
Oral Proficiency Interview para sa Trabaho sa mga Grupo ng EnglishConnect
Para sa mga Nangangasiwa sa Oral Interview
Ang test na ito ay isang maikling interbyu na hindi dapat lumalagpas ng limang minuto. Ang oral interview na ito ay tutulong na matukoy kung dapat ipasok ang mag-aaral sa EnglishConnect 1 o EnglishConnect 2. Gamitin ang worksheet na ito sa pagsasagawa ng interbyu at bigyan ng rate ang mga sagot ng iniinterbyu.
Maaaring i-print na “Oral Proficiency Interview”
Pag-interpret sa mga Resulta ng Oral Interview
Bawat sagot ay dapat bigyan ng rate ayon sa sumusunod na scale:
-
0 = hindi talaga makasagot sa tanong
-
1 = kakaunti o walang kakayahang sumagot; isang salita lang kung sumagot
-
2 = nakakasagot gamit ang mga sauladong parirala at maraming mali
-
3 = sumasagot nang tama gamit ang mga hindi-sauladong parirala, kahit maaaring may mga mali
-
4 = sumasagot nang tama na may iilang mali
-
Kabuuang Score: 0–7 = EnglishConnect 1
-
Kabuuang Score: 8–11 = EnglishConnect 2
-
Kabuuang Score: 12+ = EnglishConnect 2 at anyayahang mag-apply sa EnglishConnect 3
Kung ang karaniwang nakukuha ng mga mag-aaral ay 1, dapat silang ipasok sa EnglishConnect 1. Kung ang karaniwang nakukuha ng mga mag-aaral ay 2 o 3, dapat silang ipasok sa EnglishConnect 2. Kung ang karaniwang nakukuha ng mga mag-aaral ay 3 o 4, maaari pa rin silang dumalo sa EnglishConnect 2 kung gusto nila pero maaari din silang anyayahang mag-apply sa EnglishConnect 3 (tingnan sa englishconnect.org/join).
Oral Interview
Tulungang mapanatag ang iniinterbyu hangga’t maaari sa pamamagitan ng pagkakaroon ng isang magiliw na kapaligiran. Batiin ang iniinterbyu at magpakilala ka sa simpleng paraan. Halimbawa: “Hi. My name is . What’s your name?”
Itanong sa kanya ang mga nakalista sa table sa ibaba.
|
Tanong |
Score (0–4) |
|---|---|
Tanong 1. Tell me about yourself. What do you like to do? (Kung hindi ito maunawaan ng mag-aaral, subukang itanong ito, “What are your hobbies?”) | |
Tanong 2. Tell me about your family. Who is in your family? | |
Tanong 3. Where are you from? Tell me about your city. | |
Tanong 4. What did you do last weekend? (Ang pagsasalita sa pangnagdaan ay mas mahirap, kaya itanong lang ito kung nasagot nang maayos ng mag-aaral ang lahat ng iba pang tanong.) | |
Tanong Kabuuang Score |