Pag-aaral ng Ingles
Karagdagang Patnubay


“Karagdagang Patnubay,” Gabay sa Pagpapatupad ng EnglishConnect (2023)

“Karagdagang Patnubay,” Gabay sa Pagpapatupad ng EnglishConnect

Karagdagang Patnubay

Pananampalataya, Pagkakaibigan, at Pag-unlad

Maghikayat ng pananampalataya, pagkakaibigan, at pag-unlad. Tumulong sa paglikha ng isang kapaligiran kung saan mapapalakas ng mga mag-aaral ang kanilang pananampalataya, makararanas sila ng pagkakaibigan, at mapapaunlad ang kanilang mga kakayahan. Magagawa mo ito sa pamamagitan ng pagtawag ng mga guro, pagbibigay ng mga pasilidad, at pagtiyak na ang mga mag-aaral at guro ay may mga kinakailangang resource. Maaari ka ring makipag-ugnayan sa iba na makakasuporta sa mga mag-aaral, tulad ng mga missionary at iba pang mga self-reliance group.

Mga Priesthood Leader

Humingi ng payo sa mga priesthood leader. Siguraduhing may pahintulot at pangangasiwa ng mga priesthood leader ang iyong programa. Kabilang sa mga priesthood leader ang mga nangangasiwa sa mga programang self-reliance, seminary at institute, at gawaing misyonero. Sumangguni sa mga priesthood leader tungkol sa:

Magreport sa mga priesthood leader. Magreport sa mga priesthood leader tungkol sa mga tagumpay at hamon ng mga EnglishConnect group.

Siguraduhin ang legal na pagsunod. Siguraduhing nakaayon ang EnglishConnect program sa mga lokal na hinihingi ng batas na matatagpuan sa englishconnect.org/leader/approved-locations.

Paalala: Ang resources ng EnglishConnect ay protektado ng batas sa karapatang-sipi at hindi dapat baguhin nang walang pahintulot.

Pakikipagtuwang sa Mission

Planuhing gamitin ang EnglishConnect para ibahagi ang ebanghelyo. Ang EnglishConnect ay maaaring maging mahalagang bahagi ng ward mission plan. Ang mga EnglishConnect group ay maaaring:

  • Magdagdag ng mga oportunidad sa paghahanap at pagtuturo para sa mga full-time missionary.

  • Magpatatag ng ugnayan sa pagitan ng mga miyembro, mga kaibigan ng Simbahan, at ng mga missionary.

  • Makatulong sa mga nagbabalik na miyembro o sa mga taong tinuturuan ng mga missionary na maging malapit sa ward.

  • Makatulong sa mga miyembro na ipamuhay ang mga alituntunin ng pagmamahal, pagbabahagi, at pag-aanyaya (tingnan sa Pangkalahatang Hanbuk, 23.1).

Ang mga pagsisikap na pinamumunuan ng mga miyembro at sinusuportahan ng missionary ay pinakamainam na makatutulong upang makamit ang mga resultang ito. Kapag pinamumunuan ng mga miyembro ang mga EnglishConnect group, mas malamang na magkaroon ang mga kalahok ng mga kaibigang miyembro at ng mga karanasang nagpapalakas ng pananampalataya. Ang mga missionary, mission leader, at self-reliance committee ay dapat sumangguni sa isa’t isa upang ang mga EnglishConnect group ay maging lugar kung saan maibabahagi at maipamumuhay ang ebanghelyo nang simple at natural.

Anyayahan ang mga missionary na tumulong. Sa mga lugar kung saan ang mga stake o ward ay mayroongg mga EnglishConnect group, anyayahan ang mga missionary na tumulong sa pamamagitan ng:

  • Pagdalo sa mga grupo at pagpapraktis kasama ang mga mag­aaral sa oras ng mga aktibidad.

  • Pagpapraktis kasama ang mga mag-aaral sa mga conversation group.

  • Pagtuturo ng ilang lesson kung kinakailangan.

Mga Guro

Ginagampanan ng mga Guro

Mahalaga ang papel na ginagampanan ng mga guro sa pag-anyaya sa Espiritu at pagpapalakas ng pananampalataya, pagkakaibigan, at pag-unlad sa mga EnglishConnect group. Hindi nila kailangang maging eksperto sa Ingles o magkaroon ng karanasan sa pagtuturo. Hindi nila kailangang magsalita ng wikang gamit ng mga mag-aaral. Ang mga EnglishConnect lesson ay binuo gamit ang mga napatunayang alituntunin ng pag-aaral ng wika, at ang mga guro ay magtatagumpay kapag mapagmahal nilang ginagabayan ang mga mag-aaral sa mga lesson. Tinutulungan ng mga guro ang mga mag-aaral na mas mapalapit sa Diyos sa pamamagitan ng pag-aaral ng Ingles.

Mga Katangian ng Guro

Ang mabubuting guro ay may:

  • Sigasig, tuwa, at kagiliwan sa pagtuturo ng Ingles.

  • Pagmamahal at pagtitiyaga para sa mga mag-aaral at matinding hangaring makita sila na magtagumpay.

  • Positibo at magandang pananaw.

  • Kakayahan at panahong mamuno sa mga grupo.

Tumawag ng mga guro. Dahil maaaring isama sa mga mag-aaral ng EnglishConnect ang mga menor de edad, dapat interbyuhin ng mga lokal na priesthood leader ang bawat potensyal na guro at rebyuhin ang kanilang membership record para sa mga anotasyon bago magbigay ng calling. Ang mga grupong may mga menor de edad ay kailangang may dalawang adult na naroon at sumusunod sa mga patakaran ng Simbahan para sa pagprotekta sa mga kabataan. Inirerekomenda na ang mga grupo ng mga hindi kabataan ay dapat mayroon ding dalawang guro upang magkasama silang magturo o kahalili ng isa kapag absent o maysakit ang isa.

Bigyan ng training ang mga guro. Maaari mong bigyan ng training ang mga guro gamit ang EnglishConnect for Teachers at ang resources sa englishconnect.org/teacher. Dapat mo ring bigyan ang mga guro ng kopya ng manwal at workbook ng mag-aaral (tingnan sa “Mga Materyal”). Hinihikayat din ang mga guro na magmiting nang regular upang magsanggunian, magbahagi ng pinakamahusay na mga istratehiya sa pagtuturo, sagutin ang mga tanong ng bawat isa, at rebyuhin ang mga training material.

Tulungan ang mga mag-aaral na sumulong na maging mga guro. Matutukoy ng mga guro ang mga mag-aaral sa grupo na maaaring maghandang magturo sa isang grupo sa hinaharap. Ang pagtuturo ay tumutulong sa mga mag-aaral na patuloy na lumago at palawakin ang access sa programa.

Mga Materyal

Bigyan ang mga mag-aaral ng mga materyal. Kakailanganin ng mga mag-aaral ng access sa EnglishConnect 1 para sa mga Mag-aaral o sa EnglishConnect 2 para sa mga Mag-aaral sa digital na paraan sa Gospel Library o sa naka-print na materyal sa pamamagitan ng online store ng Simbahan sa store.ChurchofJesusChrist.org. Mayroon ding karagdagang resources para mapahusay ang kanilang pag-aaral, kabilang na ang mga workbook at aktibidad sa online. Para sa mga paglalarawan ng lahat ng resources na makukuha ng mga mag-aaral, tingnan sa “Ano ang mga materyal ng mag-aaral at ng guro para sa EnglishConnect?” sa bahaging “Mga Bagay na Madalas Itanong.”

Print Resources

Kung magbibigay ka ng print resources, tutustusan ito ng lokal na unit mula sa kanilang kasalukuyang budget. Kung kailangan mo ng pondo, dapat sundin ng mga stake president ang inaprubahang proseso sa paghiling ng pondo. Huwag singilin ng anumang bayad sa partisipasyon ang mga mag-aaral. Kung ang mga mag-aaral ay inaasahang bumili ng print resources para sa kanilang sarili, magagawa nila iyan sa pamamagitan ng mga lokal na distribution center o online store ng Simbahan.

Paalala: Ang pagdating ng mga manwal ay maaaring tumagal nang hanggang anim na linggo.

Bigyan ang mga guro ng mga materyal. Dapat pag-aralan ng mga guro ang EnglishConnect for Teachers sa Gospel Library gayundin ang iba pang training resources sa englishconnect.org/teacher.

Mga Virtual Lesson Presentation

Magagamit ng mga guro ang mga resources sa paglalahad ng EnglishConnect upang makatulong sa paggabay sa mga virtual conversation group. Ang mga lesson presentation ay makukuha sa englishconnect.org/resources/teaching-materials.

Mga Lokasyon at Dalas ng Miting ng Grupo

Magpasiya kung magmimiting kayo nang in-person o sa virtual group. Ang mga in-person group sa mga gusali ng Simbahan ay inirerekomenda upang magkaroon ng mga oportunidad para sa pagkakaibigan. Kung mahirap para sa mga kalahok na makapunta sa mga gusali ng Simbahan, isaalang-alang ang mga online group. Ang “Guide to Leading Virtual Groups” at “Virtual Group Participant Guide” ay makatutulong sa mga lider, guro, at mag-aaral na lumikha ng kapaligirang magbibigay ng inspirasyon sa kanila na mag-aral nang online. Ang mga virtual lesson presentation ay makukuha sa englishconnect.org/resources/teaching-materials.

Magpasiya kung gaano kadalas magmimiting ang mga grupo. Karamihan sa mga grupo ay nagmimiting nang isa o dalawang beses sa isang linggo, pero ang mga lesson ay isinusulat para mas madalas na magmiting ang mga grupo kung nais nila. Tandaan na kailangan ng mga mag-aaral ng oras sa pagkumpleto ng mga personal na aktibidad sa pag-aaral bago ang bawat lesson.

Magpasiya kung kailan at gaano katagal magmimiting ang mga grupo. Pumili ng isang araw at oras na magiging pinakamainam para sa mga mag-aaral at guro. Karamihan sa mga grupo ay nagmimiting nang 90 minuto, gayunpaman maaaring magmiting ang mga grupo sa iba’t ibang haba ng oras kung nais nila.

Pagpasiyahan kung kailan matatapos ang mga grupo at aling mga unit ang tatalakayin nila. Maraming grupo ang nagsisimula ulit sa lesson 1 kapag natapos na nila ang manwal. Ang ibang mga grupo ay pinag-aaralang muli ang manwal o ang ilang bahagi lang ng mga unit sa manwal.

Tingnan ang bahaging “Mga Halimbawa” para sa mga paraan kung paano inorganisa ng mga lider ang mga grupo.

Pagrerehistro at mga Sertipiko (QuickReg)

Bumuo at mamahala ng mga grupo sa QuickReg. Ang QuickReg ay isang tool na inaprubahan ng Simbahan para sa pamamahala ng mga self-reliance group. Bumuo ng mga grupo sa QuickReg sa pamamagitan ng pagpunta sa quickreg.englishconnect.org. Pagkatapos ay patuloy na gamitin ang QuickReg para:

  • Mag-advertise ng mga grupo.

  • Baguhin ang petsa, oras, at lokasyon ng mga grupo.

  • Mag-print ng mga sertipiko ng kalahok.

  • Magbago ng status ng isang mag-aaral.

  • Magtapos ng mga grupo.

Tingnan ang QuickReg tutorial sa englishconnect.org/leader para sa training.

Paalala: Para magamit ang QuickReg, ang isang miyembro ay kailangang (1) may calling sa Simbahan at (2) iparekord ang kanilang calling sa Leader and Clerk Resources.

Mag-print at magbigay ng mga sertipiko mula sa QuickReg. Maaaring i-print at ibigay ng mga guro at self-reliance specialist ang mga sertipiko ng partisipasyon para sa mga mag-aaral na naka-enroll sa QuickReg.

Pag-anyaya at Pagpapabatid

Gumamit ng mga materyal na nagpapabatid o nag-a-advertise ng tungkol sa EnglishConnect. Ang mga promotional material ay makukuha sa online store ng Simbahan sa store.ChurchofJesusChrist.org at sa englishconnect.org/resources/leader#publicity.

Mag-anyaya ng mga mag-aaral. Maaari mong gamitin ang mga karaniwang paraan ng komunikasyon para i-advertise ang mga EnglishConnect group, tulad ng mga ministering sister at brother, missionary, ward bulletin, flyer, at iba pa. Kapag pinahintulutan at pinondohan ng mga lokal na unit, maaari ding isaalang-alang ng mga grupo na mag-advertise sa social media o sa isang lokal na ward o stake web page. Bago simulan ang alinman sa mga pamamaraang ito ng advertising, rebyuhin ang mga lokal na legal na tuntunin sa englishconnect.org/leader/approved-locations.

Masayang tanggapin ang mga mag-aaral. Magplano kung paano mo masayang tatanggapin ang mga mag-aaral kapag nagrehistro sila para sa grupo.

Mag-anyaya ng mga kaibigan sa ibang relihiyon. Hinihikayat kang isama ang mga tao mula sa iba’t ibang relihiyon. Palaging magpakita ng paggalang sa mga paniniwala ng iba habang hayagang nagbabahagi ng iyong pananampalataya na matutulungan ng Diyos ang mga kalahok na matuto ng Ingles.

Isiping anyayahan ang mga kabataan. Maaari kang mag-organisa ng mga grupo para lamang sa mga kabataan, o maaari mong anyayahan ang mga kabataan na dumalo kasama ang mga adult. Sa EnglishConnect, natututuhan ng bagong henerasyon kung paano tumanggap ng tulong ng Diyos para matuto ng Ingles. Ang mga lesson na ito ay makatutulong sa kanila na magkaroon ng pananampalataya na tutulungan sila ng Diyos sa lahat ng aspeto ng kanilang buhay.

Sundin ang Mga patakaran ng Simbahan sa pagprotekta sa mga kabataan. Ang mga menor de edad (mga edad 18 taong gulang o mas bata na nakatira sa bahay) ay kailangang may nilagdaang pahintulot ng magulang bago dumalo sa grupo. Ang mga form ay makukuha sa maraming wika sa englishconnect.org/resources/leader. Dagdag pa rito, kailangang palaging sundin ng mga EnglishConnect group ang patakaran ng Simbahan na may dalawang responsableng adult na naroon sa lahat ng oras sa mga miting ng grupo. Ang mga patakarang ito ay kailangang sundin kahit na ang grupo ay nagmimiting nang virtual.

Pagsulong sa Susunod na Antas

Turuan ang mga mag-aaral sa EnglishConnect at BYU–Pathway Worldwide education at career path. Ang EnglishConnect at BYU–Pathway Worldwide ay nagbibigay-daan upang magkaroon ang mga mag-aaral ng mga bagong kasanayan sa kapaligiran na may pagkakaibigan at pananampalataya. Makahahanap ka ng resources sa byupathway.org/englishconnect.

Tulungan ang mga mag-aaral na mag-enroll sa EnglishConnect 3. Tingnan sa bahaging “Pagkonekta sa mga Mag-aaral sa mga Grupo ng EnglishConnect 3.”

Makipag-ugnayan sa inyong lokal na mga BYU–Pathway Worldwide service missionary. Talakayin ang mga paraan para masuportahan ang mga mag-aaral sa kanilang transition mula sa EnglishConnect 3 hanggang BYU–Pathway Worldwide.

Pagkonekta sa Iba pang Resources ng Simbahan

Kumonekta sa karagdagang resources ng Simbahan. Gumawa ng mga plano na ikonekta ang mga kalahok sa karagdagang resources ng Simbahan, tulad ng iba pang mga self-reliance group, aktibidad ng mga kabataan, at mga oportunidad na malaman pa ang tungkol sa ebanghelyo ni Jesucristo. Tingnan ang pahinang “Emotional, Educational, and Employment Resources” sa ChurchofJesusChrist.org para sa karagdagang impormasyon.