Pag-aaral ng Ingles
Layunin


“Layunin,” Gabay sa Pagpapatupad ng EnglishConnect (2023)

“Layunin,” Gabay sa Pagpapatupad ng EnglishConnect

mga taong nag-uusap at nagtatawanan

Layunin

Ang EnglishConnect ay programang nagtuturo ng wikang Ingles na pinangangasiwaan ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw. Ang layunin ng EnglishConnect ay tulungan ang mga indibiduwal na madagdagan ang espirituwal at temporal na pag-asa sa sariling kakayahan sa pamamagitan ng pagkakaroon ng mga kasanayan sa Ingles sa kapaligiran na naghihikayat ng pananampalataya, pagkakaibigan, at pag-unlad.

Sinusuportahan ng EnglishConnect ang Gawain ng Kaligtasan at Kadakilaan ng Diyos

Matutulungan ng EnglishConnect ang mga anak ng Diyos na:

  • Ipamuhay ang ebanghelyo ni Jesucristo. Sa EnglishConnect, ipinamumuhay ng mga kalahok ang mga alituntunin ng pagkatuto “maging sa pamamagitan ng pag-aaral at gayon din sa pamamagitan ng pananampalataya” (Doktrina at mga Tipan 88:118). Pinalalakas ng mga guro at mag-aaral ang kanilang pananampalataya habang naghahangad at tumatanggap sila ng tulong ng Panginoon. (Mga Halimbawa)

  • Kalingain ang mga nangangailangan. Ang mga kasanayan sa wikang Ingles ay maaaring magpalawak ng mga oportunidad para maging self-reliant at makapaglingkod. Ang EnglishConnect ay tumutulong sa mga kalahok na maghanda para sa mga oportunidad na maglingkod, magtrabaho, at mag-aral. Dagdag pa rito, pinaglilingkuran at minamahal ng mga kalahok ang isa’t isa habang sila ay nagtuturo at sama-samang natututo. (Mga Halimbawa)

  • Anyayahan ang lahat na tanggapin ang ebanghelyo. Sa mga EnglishConnect group, natututuhan at ipinamumuhay ng mga kalahok ang mga alituntunin ng ebanghelyo at bumubuo ng mga pagkakaibigan. Sa buong EnglishConnect, maraming pagkakataon ang mga kalahok na sundin ang Espiritu habang minamahal, binabahagian, at inaanyayahan nila ang iba na maranasan ang mga pagpapala ng ebanghelyo. (Mga Halimbawa)