“Mga Halimbawa ng Reference,” Gabay sa Pagpapatupad ng EnglishConnect (2023)
“Mga Halimbawa ng Reference,” Gabay sa Pagpapatupad ng EnglishConnect
Mga Halimbawa ng Reference
Nasa ibaba ang ilang halimbawa na maaaring mabanggit sa iba pang mga file at naka-load nang buo—sa “drawer” sa Gospel Library.
Halimbawa Set 1
Unang Kuwento—Maria
Nalaman ni Maria kung paano tumanggap ng tulong ng Diyos para matuto ng Ingles. Lumakas ang kanyang pananampalataya at tiwala sa Diyos, at hinahangad niya ang Kanyang tulong sa iba pang mga aspeto ng kanyang buhay. Ginagamit na niya ngayon ang mga alituntunin ng pagkatuto upang mapagbuti ang kanyang pag-aaral ng ebanghelyo.
Pangalawang Kuwento—Koffi
Si Koffi ay hindi aktibo sa Simbahan hanggang sa anyayahan siya ng isang miyembro sa isang EnglishConnect group. Ang mga naranasan niya kasama ang iba pang mga kalahok ay nakatulong para mahikayat siyang muli na naising mas mapalapit kay Cristo. Regular na siyang nagsisimba, tapat na gumaganap sa tungkulin, at naglilingkod sa iba.
Halimbawa Set 2
Unang Kuwento—Excellent
Si Excellent na nasa Democratic Republic of the Congo ay nakatapos ng EnglishConnect 2 at pinalawak ang kanyang negosyo na pagseserbisyo sa mga turista mula sa iba’t ibang bansa, na nagpadoble ng kanyang kita. Tumutulong din si Excellent sa pangangalaga sa iba bilang guro sa EnglishConnect.
Pangalawang Kuwento—Zheng Min
Napahusay ni Zheng Min ang kanyang kaalaman sa wikang Ingles sa pamamagitan ng EnglishConnect at nag-enroll sa BYU–Pathway Worldwide. Dahil marunong siya ng Ingles, nakahanap siya ng magandang trabaho na mataas ang sweldo habang nag-aaral sa BYU–Pathway Worldwide.
Halimbawa Set 3
Unang Kuwento—Lucas
Inanyayahan ni Lucas ang kanyang mga kaibigan sa social media na sumama sa kanya sa isang EnglishConnect group. Nakita ni Maria ang kanyang post at nagpasiyang sumama sa kanya. Nabigyang-inspirasyon si Maria sa nadama niyang pananampalataya at pagkakaibigan at nagpasiyang alamin pa ang tungkol sa Simbahan mula sa mga missionary. Nagpasiya siyang magpabinyag at ngayon ay naglilingkod bilang guro para sa EnglishConnect 1.