My Foundation [Ang Aking Saligan]: Maghangad na Matuto—Maximum na Oras: 20 Minuto
-
Pag-isipang mabuti:Paano lumilikha ng pagkakataon ang pag-aaral?
-
Panoorin:“Education for a Better Life,” makukuha sa srs.lds.org/videos. (Walang video? Basahin ang pahina 61.)
Edukasyon para sa Mas Magandang Buhay
Kung hindi ninyo mapapanood ang video, basahin ang script na ito.
Elder Joseph W. Sitati: Sa edad na 13 nanirahan ako sa bukiring bahagi ng Kenya. Kapos sa buhay ang mga tao. Ngunit ang mga tila may kakayahang bilhin ang mga bagay na hinangaan ng iba ay ang mga taong may magandang pinag-aralan. Napansin ko na ang edukasyon ay susi sa mas magandang buhay.
Paulit-ulit kong naisip na puntahan at kausapin ang prinsipal ng isa sa mga paaralan na talagang gusto kong pasukan. Kinailangan ko ang bisikleta ng tatay ko para makapunta roon na umabot nang kalahating araw. Hindi pa ako nakakalabas ng bayan namin. Hindi ako mahusay magsalita ng Ingles, at puti ang prinsipal na ito. Noon lang ako nakakilala o nakakausap nang deretsahan ng isang puti, kaya natakot akong isipin ito.
May patuloy na nagtutulak at nagsasabi sa akin na dapat kong gawin ito, kaya humayo ako para kausapin ang prinsipal. Habang nakatingin ako sa kanya nakita ko na medyo nagulat siyang makita ang batang lalaking ito na nakatayong parang sundalo sa harap niya. Bakas ang kabaitan sa kanyang mga mata, kaya nagkaroon ako ng lakas ng loob. Sinabi ko sa kanya na gusto ko talagang mag-aral sa paaralan niya at magiging napakasaya ko kung tatanggapin niya ako. Pagkatapos ay sinabi niya, “Sige, tingnan natin kapag lumabas na ang mga resulta ng test.” Sabi ko, “Salamat po, sir.” Wala pang apat na minuto ay nakalabas na ako ng opisina.
Ang apat na minutong iyon na nasa loob ako ng opisinang iyon ay talagang mahahalagang sandali sa buhay ko. Ako lang ang estudyante mula sa primary school ko na napili sa isa sa pinakamahusay na mga paaralan sa aming lugar. Nagpasalamat ako dahil naibigay sa akin ng butihing lalaking ito ang pagkakataong ito, at nahikayat ako nitong magsikap na maging pinakamahusay na estudyante sa klase ko.
Nagbukas iyan ng mga bagong oportunidad sa akin na makapasok sa isa pang magandang paaralan at maghanda para sa kolehiyo. Nakita ko sa unibersidad ang naging asawa ko dahil sa edukasyon ko. Nakakita ako ng trabaho sa lungsod dahil dito. Habang nakatira sa Nairobi, nakita namin ang isang missionary couple na nag-anyaya sa amin sa bahay nila, kung saan nagpupulong sila ng mga miyembro ng Simbahan. Kung wala ako sa Nairobi noon, hindi ko sana natagpuan ang ebanghelyo kailanman. Ang katotohanan ay may matatag akong trabaho kaya ako nakapaglingkod sa Simbahan.
Pinatototohanan ko na ang edukasyon ay isang susi sa self-reliance. Magbubukas ito ng maraming oportunidad sa inyo na maglaan para sa inyong sarili sa temporal at maging self-reliant din sa espirituwal.
Bumalik sa pahina 58.
-
Talakayin:Ano ang ninais ni Elder Joseph W. Sitati noong 13 anyos siya? Ano ang ginawa niya tungkol dito?
-
Basahin:Doktrina at mga Tipan 88:118–19 at ang pahayag ni Pangulong Gordon B. Hinckley (sa kanan)
-
Pag-isipang mabuti:Ano ang mga ideya at impresyong napasaiyo mula sa Espiritu Santo tungkol sa pagpapaigi ng iyong buhay?
-
Mangakong Gawin:Mangakong gawin ang mga sumusunod sa linggong ito. Lagyan ng tsek ang box kapag nakumpleto mo ang bawat gawain.
-
Kumpletuhin ang sumusunod na mga mithiin at mag-mentor sa mga aktibidad.
-
Tapusin ang pagsulat ng plano sa iyong “misyon sa buhay” at talakayin ito sa iyong pamilya.
-
Pakiusapan ang isang tao na maging mentor mo at itakda ang oras ng inyong pagkikita.
-
Aktibidad—Paglikha ng mga Mithiin
Step 1: Basahin ang pahayag ni Pangulong Howard W. Hunter (sa kanan). Sa pamamagitan ng mga mithiin, ang ating mga pag-asam ay nagiging mga aksyon.
“Ito ang ebanghelyo ng pagsisisi, at kailangan nating magsisi at magtika. Tunay ngang dapat ay tuluy-tuloy ang proseso ng pagsisisi, paggawa ng mga pangako, at pagtatakda ng mga mithiin. … Inihahabilin kong gawin mo ito.”
Howard W. Hunter, “The Dauntless Spirit of Resolution” (Brigham Young University devotional, Ene. 5, 1992), 2, speeches.byu.edu
Ang mga mithiin ay dapat:
-
Maging partikular at maaaring sukatin.
-
Isulat at ilagay kung saan mo makikita ang mga ito araw-araw.
-
Magkaroon ng takdang oras ng pagkumpleto.
-
Magkaroon ng partikular na mga gagawin para maisakatuparan ang mithiin.
-
Palaging repasuhin, ireport, at i-update.
Step 2: Sa hiwalay na papel, isulat ang dalawa o tatlong mithiing makakatulong sa iyo na makamtan ang iyong misyon sa buhay. Sundan ang halimbawa sa ibaba. Ilagay ang papel sa lugar na makikita mo ito araw-araw.
|
Mithiin |
Bakit? |
Partikular na mga Hakbang para Makamit ang Mithiin |
Timeline |
Kanino Ko Irereport ang Aking Progreso? |
|---|---|---|---|---|
|
HALIMBAWA: Basahin ang Aklat ni Mormon nang 30 minuto bawat araw. |
Para makatanggap ako ng patnubay araw-araw mula sa Espiritu Santo. |
1. Gumising nang alas-6:30 n.u. araw-araw. 2. Magbasa bago mag-almusal. 3. Irekord ang aking progreso sa isang tsart. |
Ie-evaluate ko ang aking progreso gabi-gabi bago ako matulog. |
Ibabahagi ko ang aking progress chart sa isang kapamilya bawat Linggo. |
Aktibidad—Paghahanap ng Mentor
Step 1: Basahin ang pahayag ni Elder Robert D. Hales (sa kanan). May iba’t ibang uri ng mga mentor. Maaaring kailanganin mo ng isang taong maraming karanasan para sagutin ang iyong mga tanong—isang taong nagawa na ang nais mong gawin. Ang ibang mga mentor ay maaaring mabubuting kaibigan o kapamilya. Ito ang mga taong handang mag-ukol ng mas maraming oras para hikayatin kang gumawa ng mga pagbabago sa buhay mo at maging responsable sa iyong progreso.
“Noong binata pa ako, humingi ako ng payo sa aking mga magulang at sa tapat at mapagkakatiwalaang mga tagapayo. Ang isa ay lider ng priesthood; ang isa naman ay gurong naniniwala sa akin. … Mapanalanging piliin ang mga tagapagturo na iniisip ang inyong espirituwal na kapakanan.”
Robert D. Hales, “Pagtugon sa mga Hamon ng Mundo Ngayon,” Ensign o Liahona, Nob. 2015, 46
Step 2: Pag-isipan ang uri ng tulong na kailangan mo. Ilista ang mga taong maaaring maging mentor mo. Pagnilayan at ipagdasal ang iyong listahan ng mga pangalan.
Step 3: Sagutin ang mga tanong sa ibaba para masimulan ang pakikipag-ugnayan sa mentor. Para maanyayahan ang isang tao na maging mentor mo, itanong mo lang, “Sinisikap kong baguhin ang buhay ko. Handa ka bang tulungan ako?”
|
Ang Mentor Ko |
|---|
|
Sino ang gusto mong maging mentor mo? |
|
Kailan mo siya pakikiusapang maging mentor mo? |
|
Kailan kayo puwedeng magkita para ipaalam ang iyong “misyon sa buhay” at mga mithiin? |
|
Gaano kadalas mo gustong makausap ang mentor mo? |
Step 4: Alalahanin na ikaw ang responsable sa iyong “misyon sa buhay.” Kapag kinausap mo ang mentor mo:
-
Repasuhin ang iyong progreso.
-
Repasuhin ang mga balakid sa iyong progreso at ang ginagawa mo para malagpasan ang mga ito.
-
Repasuhin ang partikular na plano mong gawin bago mo kausaping muli ang mentor mo.