Magreport—Maximum na Oras: 25 Minuto
Mga Ipinangakong Gawin Noong Nakaraang Linggo
-
Isagawa at ibahagi ang alituntunin sa My Foundation [Ang Aking Saligan] noong nakaraang linggo.
-
I-update ang aking plano para maging self-reliant kung kailangan.
-
Isagawa ang isa sa mga sumusunod na mga skill o gawi: gawin ang mga dapat unahin, iwasang magpaliban, o daigin ang mga gambala (o isagawa ang isa pang skill o gawi na pinili mo noong nakaraang linggo).
-
Kontakin at suportahan ang action partner ko.
Step 1: Mag-evaluate Kasama ang Action Partner (5 minuto)
Mag-ukol ng ilang minuto upang i-evaluate ang iyong mga pagsisikap na tuparin ang ipinangako mong gawin sa linggong ito. Gamitin ang tsart na “Pag-evaluate ng Aking mga Pagsisikap” sa simula ng workbook na ito. Ibahagi sa partner mo ang iyong evaluation at talakayin ninyo ang mga tanong sa ibaba. Pagkatapos ay mag-iinisyal siya kung saan tinukoy.
-
Talakayin:Ano ang naging mga hamon mo sa pagtupad sa mga ipinangako mong gawin sa linggong ito?
Step 2: Magreport sa Grupo (8 minuto)
Matapos i-evaluate ang iyong mga pagsisikap, magsama-samang muli bilang grupo at ireport ang inyong mga resulta. Ikutin ang grupo at ipahayag ng bawat isa kung ang rating na ibinigay sa inyong sarili ay “pula,” “dilaw,” o “berde” para sa bawat isa sa mga ipinangako ninyong gawin noong nakaraang linggo.
Step 3: Ibahagi ang Iyong mga Karanasan (10 minuto)
Ngayo’y ibahagi bilang grupo ang mga bagay na natutuhan ninyo mula sa pagsisikap na tuparin ang mga ipinangako ninyong gawin sa buong linggo.
-
- Talakayin:
-
Ano ang mga naranasan mo sa pagsasagawa at pagbabahagi ng alituntunin sa My Foundation [Ang Aking Saligan]?
-
Ano ang natutuhan mo nang i-update mo ang iyong plano para maging self-reliant?
-
Ano ang natutuhan mo nang gamitin mo ang isang skill o gawi?
-
Paano nakakatulong sa iyo ang pakikipagtulungan sa isang action partner?
-
Step 4: Pumili ng mga Action Partner (2 minuto)
Pumili ng isang action partner mula sa grupo para sa darating na linggo. Karaniwan, ang mga action partner ay parehong lalaki o babae at hindi magkapamilya.
Mag-ukol ng ilang minuto ngayon para kausapin ang action partner mo. Ipakilala ang inyong sarili at pag-usapan kung paano ninyo makokontak ang isa’t isa sa buong linggo.
Pangalan ng action partner
Contact Information
Isulat kung paano at kailan ninyo makokontak ang isa’t isa sa linggong ito.
|
Lin |
Lun |
Mar |
Miy |
Huw |
Biy |
Sab |
|---|---|---|---|---|---|---|